Friday , October 4 2024

Antoinette, ‘di na babalik ng Amerika

ni Rommel Placente

NOONG una ay bakasyon lang ang dahilan ng pagpunta ng aktres na si Antoinette Taus sa Pilipinas. Pero nagdesisyon siyang hindi na bumalik sa America para manatili na rito for good.

“It just felt right,” sabi ni Antoinette na dahilan kung bakit gusto niya nang manatili ulit sa ‘Pinas.

“Parang you get this feeling na, ‘Okay, binibigyan na kita ng sign na dapat dito ka muna. So take it, I’m guiding you towards this. If this is what will make you happy’.

“Since dumating ako masayang-masaya ako. Even sa mga kaibigan ko, ‘yung daddy ko nag-retire rito last year. Nakompleto rin ‘yung pamilya namin. Tama lang talaga ‘yung feeling na mag-stay,” paliwanag pa niya.

LARA, BALIK-MOVIE SA 1ST KO SI 3RD

BALIK-PELIKULA si Lara Morena. Kasama siya sa indie film na 1ST Ko Si 3rd, official entry sa Cinemalaya 2014 na gaganapin sa August 1-10 sa CCP Theaters and Ayala Cinemas.

Ang pangunahing bida sa naturang indie film ay si Nova Villa sa kanyang first ever starring role in a drama film. Ang director nito ay ang baguhang si Real Florido at prodyus ng aming kaibigan, ang singer/actor cum producer na si RJ Agustin.

“Ako ‘yung pamangkin ni Tita Cory which is si Tita Nova na ako lang ‘yung nag-aasikaso sa kanya na parang ako na rin ‘yung anak niya. And then anak ko rito si RJ,” kuwento ni Lara tungkol sa kanyang role sa 1st Ko Si 3rd .

Sobrang happy si Lara na nagkaroon siya ng pelikula para sa Cinemalaya.

“Kasi most awaited film festival itong Cinemalaya na talagang inaabangan sa industriya natin. Kaya talagang sobrang happy ako na napabilang ako ‘1st Ko Si 3rd’.”

Ikinuwento ni Lara kung paano siyang na-consider sa nasabing pelikula.

“Thru Facebook lang. Kasi friends kami roon ni RJ. Tapos magkapitbahay din kami sa Pampanga.

“Nag-text sa akin si RJ. Sabi niya, ‘Ms. Lara okey po ba kayo sa Saturday? Available po ba kayo para sa shooting?’ Ganoon. Sabi ko, sure.

“Dapat sana may Boracay ako, hindi ko na lang itinuloy ‘yun.  Siyempre mas pipiliin ko na lang itong movie kahit hindi ganoon kahaba ‘yung role ko dahil bukod sa talagang maganda ‘yung istorya ay kasama pa sa Cinemalaya.”

About hataw tabloid

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine enjoy sa bagong laro ng BingoPlus na Pinoy Drop Ball

RATED Rni Rommel Gonzales SI Maine Mendoza ang celebrity endorser ng Pinoy Drop Ball na bagong larong in-introduce ng BingoPlus kaya …

Rhian Ramos Sam Verzosa

SV hindi gagamitin si Rhian sa politika

MATABILni John Fontanilla AYAW patulan ng TV host (Dear SV) at Tutok To Win Partylist Representative Sam SV …

Sam Verzosa SV Driven To Heal

Sam Verzosa taos sa puso ang pagtulong

I-FLEXni Jun Nardo NAKALULULA ang presyo ng mga mamahaling luxury cars ng businessman and TV …

Alfred Vargas

Alfred napagsasabay pag-aaral at pag-arte

I-FLEXni Jun Nardo PINAGSASABAY ni Konsehal Alfred Vargas ang pag-arte at pag-aaral. PHD naman ang hangad niyang …

Elias Modesto Cruz John Lloyd Cruz Ellen Adarna

Anak nina Lloydie at Ellen na si Elias pinagkaguluhan

HATAWANni Ed de Leon VIRAL ang picture ng napaka-cute na si Elias Modesto Cruz, anak ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *