ni Reggee Bonoan
SIMULA Mayo 25, Linggo ay mapapanood na ang ‘original storybook ng batang Pinoy’ na Wansapanataym sa bago nitong araw, 6:45 p.m..
Sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents My Guardian Angel ngayong Linggo ay lalong magiging komplikado ang mga karakter nina Andrea Brillantes at Raikko Mateo dahil matutuklasan na ni Ylia (Andrea) na may super powers si Kiko (Raikko). Aaminin ba ni Kiko kay Ylia ang sikreto ng kanyang pagkatao kahit kapalit nito ay ang pagkawala ng kapangyarihan bilang anghel?
Tampok din sa My Guardian Angel sina Mylene Dizon, Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, Jovic Susim, at Vangie Martell mula sa panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Jon ‘Sponky’ Villarin. Huwag palampasin ang Wansapanataym ngayong Linggo, bago mag-The Voice Kids sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sawww.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.