Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, gagamitin ang ganda laban sa mga nega

ni Reggee Bonoan

PAGIGING masayahin sa kabila ng mga pagsubok ang sikretong nais ibahagi ng Kapamilya teen star na si Julia Barretto sa lahat ng TV viewers na tumatangkilik sa top-rating primetime fantaserye niya sa ABS-CBN na Mirabella.

“Dapat maging positibo lang po tayo lagi, anumang problema ang idulot sa atin ng ibang tao. Kapag mas nagfo-focus po kasi tayo sa mga magaganda at mabubuting bagay na nangyayari sa buhay natin, mas lumalabas po ang tunay na kagandahan,” ani Julia na gumaganap sa serye bilang si Mira at ang mahiwagang katauhang si Bella.

Samantala, mas magiging kapana-panabik ang mga susunod na tagpo ng Mirabella ngayong magsisimula nang bumangon si Mira sa pamamagitan ng katauhan ni Bella. Tuluyan na bang kakalabanin ni Mira ang kanyang tatay na si Alfred (James Blanco) at kapatid na si Iris (Mika dela Cruz)? Paano niya itatago mula sa matalik na kaibigang si Jeremy (Enrique Gil) na siya at si Bella ay iisa?

Huwag palampasin ang fantaseryeng babago sa kahulugan ng tunay na kagandahan, Mirabella gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Mirabella bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/MirabellaOnline at Twitter.com/MirabellaOnline.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …