Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark, ipinagtanggol si Claudine

 

ni Roldan Castro

IPINAGTANGGOL ni Mark Anthony Fernandez ang ex-girlfriend niyang si Claudine Barretto. Ano ang nararamdaman niya ngayon na masyadong maraming problema ang aktres?

“Hindi ako naniniwala. basta naniniwala ako na kasisilang lang niya ng baby, mga 3 years ago. Matagal magpapayat, mga 2 years so nagpapapayat lang siya.’Yung mga tsismis, hindi naman ako naniniwala roon.”

So , mas pabor ba siya kay Claudine kaysa panig ni Raymart Santiago?

”Hindi ‘yun, eh,! ‘Yung nasa ABS pa lang siya noon, sinasabi laos na siya. Hindi  ako naniniwala sa mga ganoong bagay. Kumbaga, si Nora naman, hindi laos, hanggang ngayon, sikat pa rin siya,” matino niyang reaction.

Hindi rin daw siya naniniwala sa mga paratang ni Gretchen Barretto kay Claudine.

“ If ever, may sleeping problem siya, insomnia pero hindi sa mga ganoong stuff ,” bulalas pa ni Mark .

Natawa rin si Mark nang uriratin kung totoo bang pinagpapalo ni Claudine ng baseball bat ang kanyang sasakyan noong mag-away sila at magselos. Idinenay niya ito. Technically, wholesome daw lahat.

‘Di ba noong may relasyon sila, malaki rin ang naging epekto nito sa kanya?

“Ako talaga may pagka-Rhodora rin ako noong bata-bata ako. Naging eccentric ako. Ako ang may problema sa naging relationship namin. Kumbaga, ang dami kong iniisip na mga out of this world,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …