Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbabalik ni Kris sa The Buzz, ‘di sorpresa

 
ni Reggee Bonoan

Samantala, tinanong namin si Kuya Boy kung bakit ibinalik ang The Buzz.

“Bakit hindi? Puwede naman?” ito ang mabilis na sagot sa amin ng King of Talk.

Sabi namin na iisa ang sabi ng netizens na kaya ibinalik ang The Buzz ay dahil hindi maganda ang ratings at feedback ng Buzz ng Bayan.

“‘Buzz ng Bayan’ is doing very well, hindi ko alam baka may mga consideration na iba. In fairness naman to ‘Buzz ng Bayan’, it did very well.

“Alam n’yo’ ‘yung format na may mga Bayan Buzzers nahinto ‘yan nang mag-umpisa ang Vhong (Navarro-case) na may mga insidente na ganoon hanggang sa naging investigative na ang atake at kung maalala n’yo, that was the last episode.

“Ibig sabihin, hindi bahagi ng plano, nadala roon (format ng The Buzz),” pahayag ni Kuya Boy.

Hindi naman daw nagulat si Kuya Boy sa muling pagbabalik ni Kris Aquino sa The Buzz.

“Hindi naman ako nasorpresa na, kasi kami ni Kris can do a show, it’s never been a problem,” say sa amin.

Nag-react ang netizens dahil nagpaalam na nga naman dati si Kris sa The Buzz at ang katwiran niya ay gusto niyang magkaroon ng panahon sa mga anak bukod pa sa family day nila ang araw ng Linggo, pero heto at muling mapapanood ang Queen of All Media sa nasabing programa.

“Lahat naman may karapatang mag-react?  What do I say?  Everybody has an opinion on anything and I respect that,” katwiran ni Kuya Boy.

Dagdag pa,”nangyari lang kasi ang lahat, hindi ko rin alam. We are in age that everybody has an opinion. Everybody has a chance.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …