ni Reggee Bonoan
KLINARO ni Boy Abunda ang sinasabing insensitive ang naging panayam niya kay Wowie de Guzman tungkol sa pagkamatay ng asawa niya sa Buzz ng Bayan dalawang linggo na ang nakararaan.
Hindi nagustuhan ng netizens ang pagtatanong ng King of Talk kay Wowie at isa na nga sa mega-react ay ang kaibigan at miyembro ngMTRCB na si Gladys Reyes na ipinost niya sa Twitter account niya ng, ‘SPELL INSENSITIVE’.
Nakausap namin si kuya Boy pagkatapos ng interbyu niya kay Coco Martin na umere kahapon sa The Buzz.
Ang tanong ni Kuya Boy kay Wowie na hindi nagustuhan ng netizens ay, “may mga usap-usapan sa social media, ipinakita nila sa akin ang thread na nagsasabing pa-interview ka nang pa-interview kasi gusto mong magbalik sa industriya.”
Kuwento ni Kuya Boy bago raw nag-umpisa ang Buzz ng Bayan ay may meeting sila (writers) at nagkaroon ng briefing kung ano-ano ang mga itatanong kay Wowie at aminado siyang hindi nabanggit ang itinanong niya sa aktor.
Hanggang sa nilapitan daw siya ng head writer na si Mark at ipinakita sa kanya ang thread tungkol nga sa pagpapa-interview ni Wowie dahil gusto nitong magbalik-showbiz.
At kung puwede raw itanong ito ng TV host sa aktor na sinagot naman ng, “Mark, napaka-insensitive naman ng tanong na ‘yan’. Unang-una, inimbita n’yo, pumayag. Pangalawa, nandiyan na live. I mean, I don’t think that’s proper.
“Pero kung ang intent mo is for him to be able to address that dahil mayroon sa thread na nagsasabi na nagpapa-interview siya, eto ang kondisyon ko, puntahan n’yo sa dressing room ngayon (si Wowie), tanungin n’yo. Kung pumayag, okay. ‘Pag hindi pumayag, ayoko.
At ng matapos ang interbyu ni Kuya Boy kay Wowie ay nakatanggap na siya ng mensahe galing kay Gladys na talagang pinupuri dahil napakagalang daw ng pagkaka-text.
“Ang kanyang text message, hindi ko na maalala eksakto, nagsasabi na nasaktan siya at ang kanyang mga kaibigan pati si Wowie, specifically doon sa una kong tanong.
“Pero I give it to Gladys, napakagalang ng pagka-text. ‘Yung ‘nasaktan ho kami dahil sa nabulaga kami roon sa unang tanong which we felt was insensitive’. Hindi ‘yung, ‘napaka-insensitive mo naman, Kuya Boy’, hindi.
“Let’s give credit to her. Napakagalang ng kanyang pag-express ng disgusto doon sa paniniwala niya na insensitive ang unang tanong.
”I really felt that the first question was insensitive. Sinagot ko si Gladys, nagpaliwanag ako.
“Sabi ko, ‘I take full responsibility, I apologize if I hurt you, if I hurt Wowie, if I hurt your friends. Pero gusto ko lang malaman mo that the question was not in the original questionnaire’ and I shared to Gladys kung ano ‘yung napag-usapan sa briefing.
“In fairness to Gladys, bumalik siya ng text, ‘maraming salamat po Kuya Boy sa inyong pang-unawa sa sakit na nararamdaman namin’. End of story. That’s the whole story.
“Footnote to this story, sa tagal ko nang nag-iinterbyu, hindi ako natatakot magkamali ‘coz nobody’s perfect, I’m always willing lalo na kapag kasalanan ko, to apologize.
“At saka hindi ako ‘yung ‘siya kasi’, I always take full responsibility. Magpapaliwanag lang ako ng kaunti because it’s important to note na alam ni Wowie,” paliwanag mabuti ni Kuya Boy.
At maski raw matagal ng nag-iinterbyu si Kuya Boy ay may natutuhan siya sa nangyari kay Wowie ay hindi lahat tama at makatwiran ay puwedeng itanong na maski pumayag daw ang interviewee ay hindi pa rin dapat itinatanong at sinunod niya ang sinasabi ng utak niya.
“Kahit nagpaalam sila kay Wowie, I should have followed my instinct na insensitive ang tanong,” say ng TV host.