Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie Diaz, mas mataas pa ang level kay Kris Aquino (Si Ms. Cory Vidanes daw pala kasi ang manager)

ni Reggee Bonoan

TAWA kami ng tawa kay katotong Ogie Diaz na kasama sa pelikulang Maybe This Time bilang may importanteng role at hindi lang basta inilagay para lang may panggulo dahil hiniling niya sa business unit head ng Dyesebel na siMs Kylie Manalo-Balagtas at  Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal na muli niyang itulak sa dagat/pool si Anne Curtis kasi tumaas ang ratings ng nasabing fantaserye.

“Sige na, itulak ko ulit kasi daming nag-react, heto nga, daming nag-text, galit na galit sa akin, (sabay pabasa kay sir Deo ang text messages),” natatawang kuwento ng katotong Ogie.

Sinegundahan naman ng dalawang TV executive’s ng, “oo nga, ang taas ng ratings ng ‘Dyesebel’, noon.”

Nakakadalawang tulak na raw si Ogie kay Dyesebel at gusto niyang pangatluhan pa na sabi namin ay ilublob niya sa tubig para mas maraming magalit sa kanya, ha, ha, ha.

Gagawan pa ulit ng kuwento kung paano ipapasok ulit na itutulak ng katotong Ogie si Dyesebel.

 

  Sobrang busy na nakikipag-agawan na ng oras  sa Dyesebel ang Maybe This Time
Samantala, pabirong sabi sa amin ni sir Deo, “ naku, busy na nga, nakikipag-agawan na ng oras sa akin dahil sa ‘Maybe This Time’, mabuti na lang hindi pa niya nalilimutan ‘yung character niya.”

Si Ogie kasi ang sounding board ni Zsa Zsa Padilla sa Dyesebel na kahit gaano kasama ng aktres ay ang katoto pa rin ang magsasabi kung sobra na ang ginagawa nitong pagpapahirap kay Anne.

At nalaman namin na si ABS-CBN Channel head, Ms Cory Vidanes pala ang tumatayong manager ng katotong Ogie at wala raw hinihinging komisyon.

Bongga ang katotong Ogie kasi mas mataas pa ang level kay Kris Aquino na ang manager naman sa ABS-CBN shows ay si sir Deo, eh, mas mataas ang posisyon ni ma’am Cory?

Sa kabilang banda, excited ang katotong Ogie dahil maganda ang Maybe This Time nina Coco Martin at Sarah Geronimo na hindi mo aakalaing may chemistry din pala mula sa direksiyon ni Jerry Sineneng.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …