Friday , January 10 2025

15 katao timbog sa ‘Oplan Galugad’

NASAKOTE ang 15 katao sa isinagawang “Oplan Galugad” ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng madaling-araw sa mga lansangan ng Fairview, Quezon City.

Ayon kay  Chief Supt. Richard Albano, QCPD director, ang operasyon ay kaugnay sa isinasagawang malawakang paghahanap sa gunman sa walang habas na pagpatay sa lima katao noong Mayo 11, 2014 sa Fairview.

Nakompiska mula sa mga nadakip ang apat kalibre .38, improvised shotgun o sumpak, samurai, ilang sachet ng shabu at parapernalia sa paggamit nito.

Ayon pa kay Albano, magpapatuloy ang operasyon upang mabigyan ng seguridad ang bawat residente ng lungsod.

Dagdag pa ng opisyal, naglagay na rin sila ng mobile station sa mga lugar na madalas may maganap na krimen.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *