ni Reggee Bonoan
SPEAKING of Ai Ai de las Alas, inamin niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang idol niya kaya pati ang pagpasok at nagawa nito sa politika ay gusto niyang tularan.“Actually, matagal ko ng plano, three (3) years ago pa, kinausap ko si ate Vi, nag-usap kami heart-to-heart, sabi niya, ‘Ai kung hindi ka pa ready by heart, ‘wag muna’. Sa ngayon, ready na ako by heart, so game na.
“Anything na ginagawa ni Ate Vi, gagawin ko, idol ko siya, ‘di ba? So, gusto niya ng politika, ako rin. Wala nga lang akong asawang senador, but later on, malay mo, ‘di ba?” kuwento ni Ms A.
Sa Calatagan, Batangas ang bayan ni Ms A at nagparehistro na raw siya.
Isa pang dahilan kung bakit gustong mag-politika ni Ai Ai, “napu-frustrate ako (nangyayari), pero wala naman akong magawa, so baka ‘pag nasa office ako, may magawa ako, iniisip ko pa, hindi ko pa alam din.”
At kapag may intriga sa politika ay, “nandiriyan naman si Ate Vi na tutulungan ako o mag-advise sa akin, at alam naman ng tao ang buhay ko, wala na silang masisira sa akin, maski sirain nila ako, wala naman na, eh. Open book ako sa buhay ko, sa lovelife ko, sa pamilya ko.”
Kung mayor ng Calatagan siya kakandidato ay, “magfo-focus ako kung paano ko palakihin ang bayan namin, paano ma-improve, gusto kong maging second Boracay siya o Palawan siya, basta gusto kong mag-improve ‘yung Calatagan.
“Kung sa Congress naman, I think, gusto kong gumawa ng batas tungkol sa kababaihan, tungkol sa maraming bagay about women and children kasi ‘di ba ‘yun ang naging problema ko, about battered wife, about children. Gusto kong tulungan ‘yung mga ganoon,” paliwanag ng komedyana.
Pero hindi raw pinangarap ni Ms A na tumakbong Presidente ng Pilipinas, “anong gagawin ko, hindi ako marunong doon.”
At kung nasa posisyon na raw ang Comedy Queen ay hindi siya mawawala sa showbizdahil, “half-half lang” tulad ng idol niyang si Governor Vi na isang beses lang puwedeng gumawa ng pelikula sa isang taon.
“Once a year akong gagawa ng movie, walang teleserye, by heart magdarasal ako ng sobra-sobrang sign para roon,”say pa.
Samantala, timing din kung sakaling magpu-politika si Ai Ai dahil ang kontrata niya sa ABS-CBN at Star Cinema ay hanggang 2016, “tatapusin ko ‘yun.”
Kinompirma na rin ni Ai Ai na wala siyang entry sa 2014 Metro Manila Film Festival, “sabi ng Star, wala akong pang Metro Manila Film Fest ngayon, sa October daw ipalalabas ‘yung pelikula ko. Hindi siya pang film fest.”