Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine, tinawag na sinungaling si Gretchen

ni  Reggee Bonoan

NASA ibang bansa si Gretchen Barretto nang makarating sa kanya ang mga pinagsasabi ng bunso niyang kapatid na si Claudine Barretto tungkol sa kanila ni Marjorie Barretto sa ekskluwibong panayam nito kay Boy Abunda sa Buzz ng Bayan noong Linggo.

Hindi magagaganda ang mga sinabi ni Claudine sa mga ate niya na pinasinungalingan naman kaagad ito ni Marjorie.

At si Gretchen ay hindi rin pinalampas ang mga paratang sa kanya ng bunsong kapatid na nilait daw niya kasama na ang mga anak na sina Santino at Sabrina.

Say daw ni Greta kay Claudine, ‘you will never be back in this industry. Magpakamatay ka na lang, Claudine.’

“You know, Gretchen, you swear on your child’s life if you did not say that. I dare you, because you are such a liar,”kuwento ni Claudine.

“And also, isa pang pakiusap ko kay Gretchen, any question about me, stop answering. I don’t want to be affiliated with you because you are a shame to this family. I want you to stay away from me and my children.

“I want to know, at the end of the day Gretchen, ano ba ang goal mo? Up to where? When are you going to stop? You say you’re happy? I don’t see that.

With your face all botoxed and all, I don’t see that,” sabi pa ni Claudine.

At ang sagot ni Greta sa mga paratang ni Claudine sa kanya sa pamamagitan ng official statement, “how do I debate with one who is clearly hallucinating and is under the influence of drugs and is suffering from severe mental illness?

”I am not one who would utter words such as ‘baboy,’ ‘lechon,’ ‘laos,’ at ‘magpakamatay ka na.’ I never spoke ill or cursed Sabina nor Santino.

“I have yet to hear Claudine and her mother and father speak the truth for once. Their current situation and lost relationships should speak volumes of the kind of character and attitude they posses.”

Nakagugilay ang kinahantungan ng pamilya Barretto na rati’y mabangong-mabango ang pangalan sa showbiz noon, anyare?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …