Friday , November 15 2024

Sindikato ng droga itinuro sa Fairview killings

PATULOY ang imbestigasyon sa serye ng magkakahiwalay na pamamaril sa limang indibidwal sa Fairview, Quezon City, Linggo ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Richard Albano, nakatitiyak ang pulisya na iisang kalibre ng baril ang ginamit sa apat na biktima at hinihintay pa nila ang resulta ng ballistic examination para makumpirmang iisang baril ang pinagmulan ng mga bala.

Una nang lumutang ang anggulong iisa lamang ang namaril sa mga biktima dahil sa iisang kalibreng ginamit at magkakalapit sa isa’t isa ang limang insidente.

Iba-iba rin ang background ng mga biktima at hindi magkakakonekta dahilan para hindi maging solido ang motibo.

Pahayag ni Albano, batay sa imbestigasyon, posibleng lango sa droga ang dalawang sakay ng motorsiklo na hinihinalang nasa likod ng pamamasalang.

Pahaging ni Albano, hindi malayong konektado sa isang sindikato ng ilegal na droga ang mga nasa likod ng krimen.

“Kung titingnan, ‘yung circumstantial, pupuwede kasi ito, nagwawala itong grupo na ‘to dahil nasaktan nang husto ng mga operation nitong nakaraan kung saan may na-involve doon na sunod-sunod, na mga nakulong, nahuli.”

Tumanggi nang magdetalye pa si Albano at  may hawak anya silang closed circuit television (CCTV) footage sa isang pamamaril.

Bagama’t hindi nakuha ang plaka ng motorsiklo at ang mukha ng mga suspek,  tinitiyak ni Albano, “mayroon naman tayong direksyon na pupuntahan. Tama ang direksyong pupuntahan ng imbestigasyon.”

Positibo si Albano na mahuhuli ang suspek sa “karumal-dumal” na pamamaslang.

2 TULAK ARESTADO  SA KYUSI

DALAWANG lalaking hinihinalang tulak ng shabu ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (QCPD, DAID-SOTG), sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa ulat kay Supt. Richard Albano, QCPD Director, mula kay Sr. Insp. Roberto Razon, DAID-SOGT chief, kinilala ang mga naaresto na sina Romero Villanueva, 40, ng 21 Calavite St., Brgy. Salvacion, La Loma, Quezon City at Mohamad Azis, 27, nakatira sa Blk. 42 Lot 16, Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon kay Razon, dakong 12:30a.m. nang maunang madakip si Villanueva makaraang bentahan ng shabu ang isang pulis Kyusi na nagpanggap na buyer, na nagkakahalaga ng P10,000.

Dakong 3:00 p.m. kamakalawa, nang arestuhin si Azis sa parking lot sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Avenue, San Juan City, nang mahuling aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer na nagkakahalaga ng P1,000.

Kapwa sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa Section 5 Article 11 ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2003).

(Almar Danguilan)

About Almar Danguilan

Check Also

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *