ni Reggee Bonoan
TATLONG pelikula ang entry ng Star Cinema sa 2014 Metro Manila Film Festival na isang comedy, horror, at heavy drama.
Plantsado na ang comedy na pagbibidahan nina Vice Ganda, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla; sina Kris Aquino at Coco Martin naman sa horror.
Samantalang wala pang cast ang drama movie dahil binubuo palang daw, “inaalam din ang schedules ng mga artista,” sitsit sa amin ng taga-Star Cinema.
Suhestiyon namin sa Star Cinema na sana mapagsama-sama nila ang malalaking artistang lalaki ng ABS-CBN katulad ng nangyari sa Four Sisters and A Wedding na napagsama-sama ang mga sikat na artistang babae na sina Angel Locsin, Shaina Magdayao, Bea Alonzo, at Toni Gonzaga.
Bakit hindi nila pagsamahin sina Sam Milby Jericho Rosales, Rayver Cruz, Zanjoe Marudo, at John Lloyd Cruz at si Alex Gonzaga para may panggulo sa grupo?
Ano sa tingin mo Ateng Maricris? (Pwede ang suhestiyon mo. An gang magiging title?—ED)