ni Reggee Bonoan
MALAPIT nang magtapos ang Confessions of A Torpe at ang ipapalit na musical seryeng Trenderas na pagbibidahan nina Lara Maigue, Isabelle de Leon, at Katrina Velarde ay malabo pa raw ipalabas, sitsit sa amin ng taga-TV5.
Tsika sa amin, “hirap ang marketing na ibenta ang ‘Trenderas’ kaya baka hindi pa maiere.”
Bakit hirap ibenta, balik-tanong namin sa taga-Singko, “ewan, basta sabi ng taga-Marketing, hirap silang ibenta.”
Dahil hindi kilala ang mga bida ay susuportahan sila nina Ms Nora Aunor, Tina Paner, Sheryl Cruz, Dingdong Avanzado, K Brosas, Cacai Bautista, Kitkat, Edward Mendez, Gerard Sison, Francine Prieto, at Carl Guevarra.
Kaya pala gustong i-extend ang Confessions of A Torpe dahil hindi pa plantsado ang programang ipapalit dito, eh, hindi na kayang i-extend daw ang komedi-serye nina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, at Alice Dixson dahil magbabakasyon sila sa ibang bansa.
Going back to Trenderas, istorya pala ito ng tatlong tindera sa palengke na mahihilig kumanta at nakunan ng bidyo na kumalat sa social media na nag-trending kaya pala naging trenderas.
Patok ba musical-serye sa Pilipinas Ateng Maricris? (‘Yun ang isang dahilan kaya mahirap ibenta, ‘di gaanong kinakagat ang musical-serye sa ‘Pinas—ED)