Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea at Raikko, may ‘di pag- kakaunawaan

ni  Reggee Bonoan

SA pagpapatuloy ng kanilang kuwentong My Guardian ay mas ipauunawa nina Andrea Brillantes at Raikko Mateo sa mga kapwa nila bata ang halaga ng pagmamahal ng mga nanay.

Sa kanyang pagpapanggap bilang isang normal na bata, mararamdaman ni Kiko (Raikko) ang pagmahahal ng isang ina sa pag-ampon sa kanya ng pamilya ng binabantayang si Ylia (Andrea).

Ngunit sa kabila ng intensiyon ni Kiko na makatulong ay magsisimulang magselos si Ylia sa bago niyang kapatid dahil sa atensiyon na ibinibigay ni Carol (Mylene Dizon) dito.

Paano maaayos ni Kiko ang relasyon ni Ylia sa kanyang pamilya ngayong galit ito sa kanya? Tampok din sa My Guardian Angel sina Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, at Vangie Martell mula sa panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Jon ‘Sponky’ Villarin.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng month-long special nina Andrea at Raikko sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 Gandingan Awards, Wansapanataym.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …