Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

A.G., bagong manliligaw ni Kris

 ni  Reggee Bonoan

SUPORTADO ni Kris Aquino ang proposed bill ni Sen. Antonio Trillanes na itaas sa 100% ang suweldo ng public school teachers na ilang taon ng under paid at sobra-sobra pa sa oras ng trabaho.

Kung naging batas na ang Senate Bill No. 487 ay magiging minimum salary na ang public school teachers mula sa Salary Grade 11 ay aangat sa Salary Grade 20.

Lalabas na P36,567 na kompara sa tinatanggap ngayong P18,549 ng public school teachers.

Katwiran ni Kris ay, ”they are true HEROES,” nang tanungin namin kung bakit nananawagan siya ng suporta sa mungkahing pagtataas ng suweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan sa buong Pilipinas.

Sa episode ng Aquino & Abunda Tonight noong Lunes, pinag-usapan nina Kris at Boy Abunda ang tungkol sa maliit na suweldo ng mga guro na napakarami pang kinakaltas kaya ang natitira ay hindi makabubuhay ng disenteng pamilya.

Say pa ng TV host na bagamat tumutulong na siya sa pagpapatayo ng classrooms at school buildings sa iba’t ibang pampublikong paaralan ay hindi dapat kalimutan ang human factor o ang wastong pasuweldo sa mga guro, na aniya’y mga tunay na bayani dahil sila ang humuhubog sa mga kabataan na future citizens ng ating bansa.

Mas gaganahan pa raw ang Queen of All Media na magbayad ng buwis sa BIR kung alam niyang mapupunta ito sa mga guro.

Dugtong naman ni Kuya Boy na ang edukasyon ang kinakailangang bigyan ng priority ng isang bansa na gustong umunlad.

At suportado rin niya ang panukalang batas ni Sen. Trillanes, lalo na’t guro rin ang kanyang ina at naranasan nila na laging nangungutang kapag magbabayad na ng matrikula.

Samantala, may bagong manliligaw daw si Kris na may initials na A.G. kaya tinanong namin kung sino, pero sinagot kami ng, ”wag na lang.”

Ang pelikulang pagsasamahan nila ni Derek Ramsay sa Regal Entertainment na ididirehe ni Erik Matti ay hindi raw pang Metro Manila Film Festival 2014, ”not for MMFF, utang ko kay Mother (Lily Monteverde) from 2007 pa.”

Pero may entry si Kris sa MMFF, ”movie with Coco Martin to be directed by Chito Roño under Star Cinema at KAP (Kris Aquino Production).”

Isa pang tinanong namin ay kung magkakasama sila ni Kuya Boy sa Buzz ng Bayan?

“No comment regarding ‘Buzz’,” tipid na sagot niya sa amin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …