Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batchmates, Sexbomb ang peg at ‘di ang Mocha Girls

 

ni  Reggee Bonoan

TATLONG taong nakakontrata ang bagong tatag na Batchmates na binubuo nina Aura, Cath, Jonah, Marie, Sophy, at Vassy sa manager at producer nilang si Lito de Guzman.

Base sa kuwento ni Lito ay naghigpit talaga siya ngayon para hindi na maulit ang naging karanasan niya noon sa Baywalk Bodies na maraming intriga.

Kapag hindi sila sumunod sa kontrata nila, may damage na P500,000, it’s in the contract na kapag nabuntis, nagpakasal o umalis sa grupo.

“Mahirap bumubo ng grupo kasi kailangan mo silang bihisan, pag-aralin, pakinisin, lahat gagawin mo.

“Three years silang nakatali at maraming bawal kaya kailangan nilang sumunod. Kaya kung magbo-boyfriend sila, huwag nilang ipakita sa akin, itago nilang mabuti dahil kung hindi, tatanggalin ko sila,” paliwanag mabuti ni Lito.

Parang imposible naman yatang hindi malalaman ni Lito na may boyfriend ang Batchmates dahil magaling siyang manghuli, ‘di ba Ateng Maricris?

Ang packaging ng Batchmates ay puwede silang tumapat sa Mocha Girls na grupo rin ng mga seksing singer na sikat ngayon.

“Sana nga makasabay kasi ang Mocha, Mocha na, kilala na, sana nga makasabay.

“Hindi naman sila magpapatalbog when it comes to talent at kaseksihan kasi well-equiped sila (Batchmates), bago ko sila inilabas (launch), buwis-buhay talaga, ‘yung vocal nila, sayaw nila, flexibility nila okay na,” katwiran ng manager.

Base naman sa mga nakapanood ng performance ng Batchmates ay talagang magagaling daw at may kanya-kanyang forte ang bawat isa in terms of singing at dancing, “synchronize sila pag nagso-solo sila,” say ni Lito.

Masuwerte ang Batchmates dahil kaka-launch lang nila ay naka-tie up na pala sila sa lahat ng Padis Point branch sa buong Metro Manila na puring-puri naman ng Marketing Manager ng bar na si Mr. Paulo Dela Cruz dahil magaganda at positive raw ang feedback sa bawat branch na pinagso-showan ng grupo.

Mabibili ang unang album ng Batchmates sa Odyssey at Astroplus na released naman ng PolyEast Records na naglalaman ng Feel Like Dance, (revival) Boom, Boom Para Boom, Di na Mahal, Giling, at Hora.

At dahil hapones ang composer nilang si Mr. Kazuhiro Watanabe ay may concert tour sila sa Japan.

May ibig sabihin naman ang sinabi ng isa sa miyembro ng Batchmate na dating ka-grupo ng Mocha Girls na kaya siya umalis ay, “kasi po, babae po ako, ha, ha, ha.”

Pero kaagad namang klinaro sa amin, “joke lang po, ano sariling desisyon ko po kasi gusto kong ma-excel naman ang sarili ko sa ibang grupo at gusto ko po pantay-pantay ang tingin kasi sa Mocha Girls, kay Mocha lang nakatuon at saka hindi ko po kaya ‘yung ginagawa nila.”

Kuwento naman ng mga nakapanood na sa performance ng Mocha Girls, “ay mas grabe sila, may games sila na inuuntog-untog nila ang fez (face) ng lalaki sa harapan nila tapos sobrang sexy talaga.”

Ang gusto raw ng Batchmates ay mala-Sexbomb lang ang peg na maski nakasuot silang lahat ng sexy ay wholesome pa rin dahil ‘no touch’ sila sa audience at si Rochelle Pangilinan ang peg ng nasabing grupo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …