Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawang senior citizen patay sa QC fire

050414_FRONT

PATAY ang mag-asawang senior citizen habang nasugatan ang kanilang anak, makaraang masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City, iniulat kahapon ng umaga.

Kinilala ni QC District Fire Marshall Senior Supt. Jesus Fernandez ng Bureau of Fire Protection ang mag-asawa na sina Lara, 65, at Severino Macabinguil,70, kapwa ng 25 O’Donel st., Brgy. Holy Spirit.

Nasugatan ang kanilang anak na si Dahlia Macabinguil, 27, na nagkaroon ng 3rd degree burn sa katawan.

Ayon kay Fernandez nagsimula ang sunog dakong 6:12a.m. sa bahay  ng mga biktima sa lugar at dahil gawa sa light material,  mabilis kumalat ang apoy.

Dakong  6:28 a.m. nang maapula ang sunog at tinatayang umabot sa P40,000 ang napinsala ng sunog na nagsimula sa napabayaang kandila sa altar.

ni almar danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …