ni Reggee Bonoan
At ininggit pa ni Toni ang fans, ”I’m sure lahat kayo gustong halikan si Daniel. I’m sure lahat kayo gustong yakapin si Daniel.
“So in behalf of all of you, ako na lang ang gagawa! Sorry this is my chance. Tumanda-tanda ka lang ng kaunti delikado ka sa akin, eh,” say ng dalaga kaya tawanan ang tao.
Oo nga, si Toni pa, eh, halos lahat ng guwapong artista ng ABS-CBN ay nahumaling sa kanya tulad nina Sam Milby, Luis Manzano at iba pa.
At na-touch kami nang kantahin ni Daniel ang In My Life dahil ito pala ang kanta nilang mag-ina at lumabas si Karla Estrada sa stage na naka-black gown na sabi nga ni Vice Ganda, ”puputok na ang gown mo.”
Sumunod na special guest ni Daniel ay si Richard Yap na mas kilala ng lahat na Ser Chief na ayon kay Karla ay sana maging kasing sikat ng anak niya ang bida ng Be Careful with my Heart kasama si Jodi Sta. Maria.
Say naman ni Richard na manganganak na si Maya (kahapon) at posibleng si Daniel paglaki. Hmmm, hindi kaya nagpaparinig na si Ser Chief na join ang batang aktor sa kilig-serye nila?