Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ser Chief, dumating kahit 18th bday ng anak

ni  Reggee Bonoan

Anyway, sabi pa ni Richard na 18th birthday ng anak niya pero dahil malakas si Daniel sa kanya kaya dumating siya sa DOS concert at kinanta ang Whenever I See Your Smiling Face.

At ang pinaka-aabangan ng lahat ay ang paglabas ng love of his life ni Daniel na si Kathryn na nakasuot ng white long-sleeved backless gown habang kinakantahan siya ng binata ng Put Your Head On My Shoulders.

Sa totoo lang, wala na kaming marinig dahil nagwawala na ang buong supporters ng dalawa sa loob ng Big Dome at pagkatapos ng kanta ay pinasalamatan ni Daniel si Kathryn dahil sobrang pinasasaya siya ng dalaga, ”Alam mo kasi importante ka sa akin,” say ng binata.

At kinanta ng dalawa ang theme song nilang Got To Believe in Magic na OST ng serye nilang Got To Believe na talagang trending simula umpisa hanggang katapusan ng serye na idinirehe  ni Cathy.

At kinanta rin ni Daniel ang It Might Be You na alay niya kay Kathryn.

At pagkatapos ng highlight ng Daniel/Kathryn sa stage ay nagpasalamat ang aktor,  ”Ito na ‘yung malungkot na parte, patapos na.

“Bago matapos ang gabi, gusto ko magpasalamat mula sa taas hanggang dito sa baba.

“Sa lahat ng nag-ipon, sa lahat ng ‘di kumain para may pambili ng ticket. Magiging inspirasyon ko po kayo sabay kanta ng last songs niyang ‘Next In Line, I Heart You’, at ‘Ligaya’.

At mukhang mayayaman ang mga bagets na nanood sa show ni Daniel Ateng Maricris dahil paglabas namin ng Araneta ay nakapila sa palibot ng venue ang mga magagandang sasakyan na susundo sa kanila na magulang ang nakasakay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …