Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Semerad twins, gustong kuwartahan ng mga pulis?

ni  Reggee Bonoan

NAGKAROON ng hindi pagkakaunawaan Ang mga pulis ng Presinto 7 at Celebrity Dance Battle hosts, David at Anthony Semerad noong Sabado ng gabi nang harangin sila ng isang naka-motor habang papunta sila ng Makati City para sa isang dinner invitation.

May nag-cut daw na naka-motor sa sinasakyan ng Semerad twins noong gabi ng Sabado at para makaiwas ay binusinahan ng girlfriend ni Anthony na siyang nagmamaneho ang nakasakay sa motorsiklo.

Kuwento ng staff ng Celebrity Dance Battle na nakausap ni Anthony, “according to Anthony, nagda-drive sila going to Makati para mag-dinner with some friends, bigla na lang daw may nag-cut sa kanila na motorbike sa bandang Gateway Cubao.

“Noong una, hindi nila pinansin at binusinahan lang nila na parang warning tapos nilagpasan na lang nila pero sinundan daw sila at nag-cut ulit sabay binagsak ‘yung motor sa daan at iniharang sa kotse nila. Nilapitan daw sila at nagkakatok sa window ng kotse ‘yung driver ng motorbike.

“Si Anthony naman, hinahanap niya ‘yung peppermint spray niya (for security), tapos ‘yung driver daw ng motorbike ay nagsisigaw daw na may baril-may baril!

“So, bigla raw may lumapit na mga pulis at dinala sila sa presinto, District (Station) 7. Pagdating doon parang inirereklamo na nga sila pero wala namang maikaso.

“Interview-interview daw then parang gusto raw silang hingan ng pera noong sinabi nila na tatawagan nila ‘yung attorney nila at sinabi nilang Pinoy sila dahil nagpakita sila ng drivers license at nalaman na basketball player sila. Hhindi na raw itinuloy ‘yung kaso. Pero five (5) hours silang naka-stay doon sa presinto. At ang ending, nakipag-dinner na lang daw sa kanila.”

Samantala, hindi naman nakuha ng Semerad twins ang mga pangalan ng mga pulis na kumausap sa kanila, pero makikilala nila ang mga mukha kapag nagkita o pinakitaan daw sila ng mga litrato. Hindi naman makontak ng kambal ang manager nilang si Arnold Vegafria noong gabi dahil kasalukyan iyong nasa Singapore at maging ang handlers ay hindi rin makontak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …