Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ramona Mauricio, itinanghal na Mutya ng Taguig 2014

ni  Reggee Bonoan

SA pamamagitan ng aming patnugot dito sa Hataw na si Ateng Maricris ay naimbitahan kami ng PR director ng Office of the Mayor ng Taguig na si Ginoong Lito Laparan para sa coronation night ng Mutya ng Taguig na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura, The Fort noong Sabado.

Ikalawang beses na pala itong proyekto ni Taguig Mayor Lani Cayetano simula ng maupo siya sa nasabing bayan at nakatutuwa dahil suportado siya ng kanyang nasasakupan.

Napakalaki pala ng Taguig dahil binubuo ng 25 Barangays base na rin sa bilang ng mga kandidang lumahok sa Mutya ng Taguig na nagpakita ng kani-kanilang talent. Kaya namin sinabing ginastusan ng pamahalaan ang Mutya ng Taguig ay dahil dumaan sa maraming proseso ang mga kandidata tulad ng workshops para sa tamang paglalakad, pananamit, pananalita, at pagsagot at higit sa lahat, paglalagay ng tamang make-up.

At pawang kilala pa ang mga hurado tulad nina 1979 Miss International Melanie Marquez, actor/director, Ricky Davao, ABS-CBN house director, Manny Palo, at ang chairperson na si 1973 Miss Universe Margarita Moran-Floreindo at sina Bobby Yan at Giselle Toengi naman ang nagsilbing hosts noong gabi.

Nakatutuwa naman ang mga kandidata ng Mutya ng Taguig dahil nagpakitang gilas sila pagdating sa talent portion at naaliw kami dahil kanya-kanya rin silang dala ng mga kamag-anak at kaibigan para tagapalakpak nila kaya binging-bingi kami sa kasisigaw nila sa bawa’t kandidatang rarampa sa entablado. Pawang mga nag-aaral sa kolehiyo at ‘yung iba ay kumukuha na ng masteral degree kaya naman may sense naman ang mga sagot nila sa Q and A portion.

Samantala, ang resulta ng mga nanalo sa Mutya ng Taguig: Special awards: Miss Friendship, Bgy.Central Signal—Kristel Anne Las Pinas;  Peoples Choice Award (4525 likes), Bgy. Hagonoy—Anjudette Filio; Miss Talent, Bgy. Palingon—Trixie San Pedro; Best in Swimwear at Best in Evening Gown, Bgy. Lower Bicutan—Kristine Bianca Kuizon; Miss Photogenic, Bgy. Napindan—Ramona Mauricio.

Final Five—Kristine Bianca Kuizon, Ramona Mauricio, Jeramie Mae de Vera, Kristel Ann Las Pinas, at Jennah Lisa Fernandez; 4th runner up—Jeramie Mae De Vera ng Bgy. South Daang Hari; 3rd runner up—Kristel Anne Las Pinas ng Bgy. Central Signal; 2nd runner up—Jennah Lisa Fernandez ng Bgy. Bagumbayan; 1st runner up—Kristine Bianca Kuizon ng Bgy. Lower Bicutan, at ang itinanghal na Mutya ng Taguig—Ramona Mauricio ng Bgy. Napindan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …