Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

IC, isasantabi muna ang pag-arte

ni  Regee Bonoan

KASAMA na si IC Mendoza sa Confessions of A Torpe bilang best friend ni Alice Dixson at kapapasok lang daw niya tatlong linggo na ang nakararaan.

Bilib naman kami sa tawa-serye ng TV5 dahil kung kailan ito magtatapos ay at saka naman nagdaragdag ng cast tulad nina Marvelous Alejo na love interest ni Mark Neumann.

Samantala, thankful pa rin si IC dahil maski na nawalan siya ng projects sa TV5 ay marami pa rin siyang raket outside showbiz.

“Okay naman na ako, kasi may ibang raket din naman ako at saka may ilang corporate shows naman,”say ni IC.

May day job si IC bilang publicity director/event organizer ng Capture Dream Production kaya maski paano ay may pinagkukunan siya sa pang araw-araw niyang gastusin. Say nga ni IC, “I realize na mas effective ako sa pag-handle ng event at pagiging TV host, of course I like acting pa rin pero on the side na lang ang pag-aartista. Sayang naman din kasi ang raket sa TV at movie.”

Ang project ngayon ng Capture Dream Production ay ang Search for Little Miss Earth Philippines nationwide noong Mayo 21 na ginanap sa Manila Ocean Park. Pero naunang project ni IC sa Capture Dream Production ang search for Miss Teen Earth Philippines na ginanap naman sa Holiday Inn, Makati City kamakailan at magkakaroon ng Gala night sa May 24 SM Arena at sa Mayo 27 naman ang mismong pageant night sa kaparehong venue at mapapanood ito sa Hunyo 8, sa GMA 7.

Ang Search for Little Miss Earth Philippines ay 20 na ang napili sa mahigit na 150 auditions.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …