Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryan, ayaw ni Toni para sa kapatid na si Alex?

ni  Reggee Bonoan

SA presscon ng Pinoy Big Brother All In ay naaliw ang invited entertainment press dahil naglaglagan ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na feeling nila ay nasa bahay lang sila.

Tinanong kasi si Alex kung ano ‘yung kay Ryan Bang na sinasabing crush na crush siya at talagang pursigido ang Koreano na ligawan siya.

Iba ang isinagot ni Alex, hindi raw boto ang ate Toni niya.

Nagulat si Toni kaya sinita ang kapatid, “hoy hindi, pumupunta nga siya sa bahay namin, natatakot na nga siya sa akin. Hindi ako galit sa kanya.”

Kay Alex daw nagagalit si Toni dahil, “twenty four years old siya pero ang utak niya ay pang-12 years old.”

Ganting sagot naman ni Alex ng, “actually, right now, it’s 13. Nag-mature na ng kaunti.”

Ginagawa lang daw ni Alex na magpaka-isip bata dahil ayaw niya ng relasyon pa.

“The doors are closed,” say ni Alex na sinagot naman ni Toni ng, “kita mo kung sumagot, walang kuwenta,” na ikinatawa ng lahat.

Oo nga, hindi nga ba boto si Toni kay Ryan?

“Friends na lang sila,” kaswal na sabi ng dalaga.

“I love Ryan pero cute silang friends na lang. Kasi ‘pag naging mag-boyfriend sila, makikita ko lang sila na laging nag-aaway. I’m sure, lagi silang mag-aaway. Ngayon na nga lang magkaibigan sila, lagi silang nag-aaway,” pangangatwiran ni Toni.

Balitang crush din si Alex ng leading man niyang si Arjo Atayde, “as of now, the doors are closed. I’m looking for someone who can make me laugh but at the same time, which can tickle my heart. Can tickle my heart!” tumawang sabi ng dalaga.

Sinabihan ni Toni na umayos ng sagot si Alex, “umayos ka kasi ng sagot. Siguro, akala niya ang talino niya roon sa sagot niya.”

Pero nakakaloka si Alex dahil hiniritan ang ate niya ng, “huwag ka nang magsalita. Ilang taon na kayo ni Paul? Seven (7) years, so 23 ka pa lang, lumandi ka na,” kaya hagalpakan na naman ang lahat.

Pero may valid reason si Toni, “sorry, hindi ako lumandi, 23 years old is the right age. I was very mature at that time.”

At si Alex ay hindi pa rin mature sa edad na 24.

“Tingnan mo nga, kung ano-ano ang pinagsa­sasabi,” say ni Toni.

Samantala, sa unang pagkakataon ay magkakasama ang tinedyers at may edad na sa Bahay ni Kuya kaya tinawag na Pinoy Big Brother All In na magsisimula na sa Linggo, Abril 27 na iho-host naman nina Toni, Bianca Gonzales, Robi Domingo, Alex, at John Prats.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …