Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rochelle, haciendera sa lupain ng dyowang si Arthur

ni  Reggee Bonoan

PARANG eksena sa master-seryeng Ikaw Lamang  (serye ng Dos) ang buhay ni Rochelle Pangilinan  Ateng Maricris dahil haciendera pala siya sa taniman ng tubo sa Iloilo sa nirerentahang lupa na pag-aari ng boyfriend niyang si Arthur Solinap.

“Nagrerenta ako sa lupa ni Art na tinaniman ng sugar cane kasi ayaw na niya. Sabi ko nga sa kanya, kikita ako riyan sa tubuhan ng malaki.

“Kasi siguro si Art, doon siya lumaki, so nagsawa, nasanay lang siya na anytime nandiyan lang (lupa) kung gusto niyang bumalik,” kuwento ni Rochelle.

Kuwento pa, ”maliit muna nag-umpisa kasi nakakatakot kapag malakihan agad. Sa ngayon mayroon na kaming 16 hectares at isang 5 hectares.

“Magkakaiba kasi at nakapag-harvest na kami last month (Marso), hindi pa ROI (return of investment) kasi malaki ‘yung inilabas kong pera.

“Madali lang naman tumubo ang tubo kasi maganda naman ang lupa roon (Iloilo).  Kinuha ko lang land, pero ngayon ang dami ng tubo, sa umpisa lang naman mahirap, pero ‘pag nag-start na, madali na,” nakangiting kuwento ni Rochelle.

Tatay daw ni Arthur ang nagma-manage dahil nga nasa Maynila si Rochelle,”

kasi si tito (tawag ni Rochelle sa daddy ng boyfriend) bilang nag-uumpisa palang kami, tinutulungan niya kami. Kumbaga, nakikisabay lang kami ni Art.”

At ang payo ni Rochelle sa mga naglabas ng pera ay huwag mag-expect ng balik.

“Hindi ko na ini-expect na babalik, kasi negosyo yan, eh. Hindi naman lahat kasi kumikita sa pinasukang business,” katwiran sa amin.

At natawa kami sa kuwento ni Rochelle dahil si Arthur pala ang nag-encourage na magnegosyo siya pero hindi ipinayo ang sugar cane.

“Ayaw niya (Arthur) ang tubuhan, kasi nga siguro lumaki siya roon, kumbaga nagsawa na.

“Lumaking kaya niyang makuha lahat like anytime gustong magpakatay ng baka, puwede, lahat ng gustong kainin, puwede.

“So nagpunta ng Maynila kasi ayaw na ni Art ng ganoong buhay, gusto niya ibang challenge.

“Eh, sabi ko, kapag nabuntis ako, gusto ko roon tayo sa Iloilo, parang ako ‘yung doon lumaki, ‘di ba? Gusto ko kasi roon magbuntis, gusto kong i-feel o namnamin ‘yung nine months.

“So, out sa showbiz muna ako during buntis ako, kaya ngayon, magtatrabaho muna ako habang hindi pa ako buntis.  Ganoon ako mag-isip,” kuwento pa ng dalaga.

Samantala, kasama rin si Rochelle sa indi film na Asintado kasama ang kapatid niya sa PPL na siGabby Eigenmann na ipalalabas sa Hulyo.

“First indie film ko at kontrabida ako. Luka-luka ako roon at jowa ko rito si Raymond Bagatsing na sobrang in-love kaya nagawa kong pumatay ng tao para lang sa kanya.

“Bale may saltik ako sa movie, talagang inaral ko ang role ko,” kuwento ni Rochelle.

Bihiran naman na raw sumayaw ngayon si Rochelle at out of town na lang daw ang tinatanggap niyang projects, ”para sa pang-araw-araw na gastusin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …