Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Picture ni Angeline na may kasamang lalaki, katakot-takot na batikos ang tinanggap (Itinapat pa raw kasi sa Semana Santa at ‘di man lang nagtika)

042314 angeline quinto

ni  Reggee Bonoan

NAKIPAGSABAYAN na rin sa trending worldwide ang singer/actress na si Angeline Quinto dahil sa mga larawan niyang naka-post sa social media na may kasamang lalaki na hindi kilala.

Inisip ng iba na may boyfriend na si Angeline na ayaw lang niyang aminin dahil nga nasa showbiz siya at marahil pagkakataon ng guy ito kaya pinost niya ang mga larawan nila ng dalaga sa account niya.

Maraming bumatikos kay Angeline dahil hindi man lang daw iginalang ng dalaga ang Semana Santa samantalang ang iba ay nagtitika.

Kinunan namin ng reaksiyon ang handler ni Angeline na si Caress Caballero, “ha, ha, ha, birthmate nasa pool kaya naka-two piece,” sagot sa amin.

Samantala, wala palang idea si Angeline na lalabas sa social media ang mga litrato nila ng kasamang lalaki.

Kuwento sa amin ng taong malapit kay Angeline, “album producer ng Star Records ‘yun, si Rox Santos.

“Nagulat siya kasi hindi niya alam na lalabas sa social media, alam niya for personal use lang kasi nga magkakaibigan silang lumabas noong Holy Week sa Boracay, eh, hayan, kumalat. Hindi nga alam niyong bata kung ano ang gagawin niya kasi hindi ipinagpaalam sa kanya. Tapos hayan dami pa nega reactions.”

Ano ba ni Angeline si Rox Santos? “Wala kaibigan lang, hindi naman niya boyfriend ‘yun. Bad trip nga si Angeline,” iritableng sabi sa amin sa kabilang linya.

Tinext naman namin ang manager ni Angeline si Erickson Raymundo tungkol dito na wala raw pahintulot ang dalaga na ilabas sa social media ang mga litrato, “yup, hindi ko pa nakakausap (Angeline).”

Oh well, at least sikat si Angeline, pinag-uusapan lahat ng kilos niya. Teka, ang sexy ni Angge in her two-piece black bikini.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …