Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, naghihirap na nga ba?! (12 koleksiyong baril at sasakyan, ibinebenta na raw)

ni  Reggee Bonoan

NAGHIHIRAP na ba si Robin Padilla at ibinebenta na niya ang mga koleksiyon niya ng baril na 12 taon niyang iningatan?

Ito ang tanong ng marami sa amin nang malamang nakakatsikahan namin ang aktor at kung puwede raw naming tanungin.

Pawang magaganda ang mga baril na pag-aaril ni Binoe tulad ng 45 caliber, 22 caliber na pang James Bond (daw), Taurus caliber 38, COLT cal .45 1911, Winchester 30/30, at Original 30 cal M1 garand rifle na paborito raw ng bunso niyang si Ali.

Kasama ring ibinebenta ng aktor ang kanyang mga sasakyan tulad ng Humvee H1 at ang RV mobile home na ginagamit din niya sa shooting/tapings.

Walang alam ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla kung bakit ibinebenta ng mister niya ang mga personal nitong gamit dahil, ”hindi ko alam,” ang sagot sa amin ng magtanong kami.

Wala naman kaming numero ng aktor kaya hindi namin siya natanong at ang manager niyang siBetchay Vidanes na lang ang tinext namin tungkol dito at tumawag naman kaagad sa amin.

“Eh, kasi for peace na raw siya (Robin) ngayon kaya ayaw na niya ng baril at saka nagamit na niya lahat ‘yun sa pelikula, so nakita na ng lahat,” sabi sa amin.

Baka naman may plano uling bumili ang aktor ng bagong baril?

“Baka, hindi ko alam, hindi ko pa natatanong,” say ni Betchay.

Ang mga sasakyan na aabutin ng milyones ang halaga ay sayang lang daw kasi hindi naman daw nagagamit kaya mas mabuti pang ibenta na lang.

“Kasi plano raw niyang mag-aral sa Spain, so ‘yung mapagbebentahan, panggastos niya. At saka wala naman daw gagamit kaya sayang lang baka masira, so might as well ibenta na lang niya.”

Baka naman naghihirap na ang aktor kaya kailangan niyang magbenta ng gamit?

“Ay hindi naman, actually, tinatapos ni Robin ang ‘Bonifacio’ bago siya pumuntang Spain.  May mga offer nga, tumatanggi siya, siguro napagod na ang lolo mo.

“Alam mo naman si Robin, simpleng tao lang, kita mo nga, hindi naman mahilig sa mga damit o gamit na mamahalin. Sabi niya kuntento na raw siya sa buhay niya at wala na siyang mahihiling pa.

“Kaya maski na namimigay ng pera ‘yun sa mga nangangailangan, eh, alam ko nakapagtabi naman siya lalo na para sa mga anak.

“At saka may Money Gram siya, kuntento na siya sa talent fee niya roon.  Ang galing ‘no, sana tayo rin umabot na rin tayo sa ganoong sitwasyon.

“Tayo kasi, we need to work for a living kasi hindi naman humihinto ang koryente, tubig, tuluoy-tuloy naman ang bills, at hindi naman puwedeng hindi tayo kumain, so we have to work at mag-ipon.

“Eh, ang lolo Robin mo, nakaipon na kaya can afford na siya na hindi na masyadong ngaragin ang sarili sa trabaho. At ini-enjoy na lang niya ang buhay niya,” mahabang sabi sa amin ng manager ni Robin.

Ano ba ang pag-aaralan ni Robin sa Spain at bakit doon ang gusto, plano ba nitong maging Chef?

“Bakit, magagaling ba magluto ang mga taga-Spain?” balik-tanong sa amin, ”Ang alam ko, history yata ang gusto niyang pag-aralan,” sabi pa.

Huh, bakit, may plano ba si Robin na magsulat ng libro, ”ay ewan, sige tatanungin ko,” natawang sagot sa amin ni Betchay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …