ni Reggee Bonoan
MARAMING nagtatanong sa amin kung anong update kina Luis Manzano at Angel Locsin dahil wala raw balita ngayon sa dalawa kung kumusta na sila?
Base kasi sa mga napo-post na litrato sa Instagram ay sina Piolo Pascual, Marc Nelson, at ibang mga babae at kasama ni Luis sa out of town kaya iisa ang tanong ng lahat, nasaan si Angel?
Iyon pala, sadyang hindi talaga nagkikita sina Luis at Angel dahil mega-busy ang aktres na inaabot ng 17 hours sa tapings ng The Legal Wife at take note, Ateng Maricris, araw-araw iyon, huh?
“They need to advance their tapings dahil wala silang gaanong bangko. Ipa-pack up sila ng 5:30 a.m. at call time ng 9:00 a.m. same day, kaya isipin mo, ilang oras lang ang tulog nilang lahat?” sabi ng aming source.
Eh, hindi nga magkikita sina Angel at Luis niyan dahil imbes na magkita, eh, itutulog na lang ng aktres.
At ang binanggit na dahilan sa amin kaya ngaragan ang tapings ng The Legal Wife ay dahil sa nalalapit na kasal ni Jericho Rosales kay Kim Jones sa susunod na buwan.
Okay naman daw ang cast na makunan lahat ng eksenang kasama nila si Echo dahil humingi siya ng dalawang linggong bakasyon.