Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, Sam, at Enrique, pinagkaguluhan sa Mirabella Summer Sundate

ni  Reggee Bonoan

DINUMOG ng libo-libong Kapamilya viewers ang Mirabella lead stars na sina Julia Barretto, Sam Concepcion,at Enrique Gil sa ginanap na Mirabella Summer Sundate kamakailan sa Ayala Fairview Terraces sa Quezon City.

Bilang pasasalamat sa mataas na TV ratings ng kanilang programa, hinandugan nina Julia, Sam, at Enrique ang kanilang fans ng mga nakaaaliw na production numbers at nakakikilig na sorpresa.

Tampok din sa Mirabella Summer Sundate ang buong barkada ng top-rating ABS-CBN fantaserye na sina Mika dela Cruz, Diego Loyzaga, Alora Sasam, Noemi Oineza, Nikki Bagaporo, Paulo Angeles, Ryle Santiago, Marinela Sevidal, at Alexa Macanan. Samantala, tiyak na patuloy na mahu-hook ang mga manonood saMirabella sa pagdating nina Jeremy (Enrique) at Terrence (Sam) sa buhay ni Mira (Julia).

Paano babaguhin ng dalawang binata ang masalimuot na mundo na kinalakihan ni Mira? Matatagpuan na ba ni Mira sa kanila ang matagal na niyang hinahanap na pagmamahal at pagtanggap?

Huwag palampasin ang teleseryeng babago sa kahulugan ng tunay na kagandahan, Mirabella gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Mirabella bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/MirabellaOnline at Twitter.com/MirabellaOnline.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …