Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard, umalis na sa poder ni Annabelle (Viva Talent Management at JLD Talent Agency, magsasanib-puwersa)

ni  Reggee Bonoan

TRULILI kaya ang tsikang nakalap namin na magsasanib puwersa na ang Viva Talent Management nina boss Vic del Rosario, Veronique del Rosario-Corpus, at ang JLD Talent Agency ni Jojie Dingcong?

Sitsit sa amin ng taga-Viva, gustong palakasin nina boss Vic at anak nitong si Veronique ang kanilang talent management, “minsan kasi may mga hinihingi ang isang network na wala sila kaya ngayon, may ilo-launch silang new faces.

“Sa pagkaka-intindi ko, puro males ang talent ni Jojie, while sina boss Vic ay puro female stars naman ang hawak, kasi ‘di ba may mata si boss Vic sa girls kaysa lalaki?

“Si Jojie naman, more on lalaki naman ang gusto niyang i-manage, sige check mo, puro lalaki ang sikat niyang talents like Derek Ramsay, Matteo Guidicelli, Edward Mendez, Hayden Kho, Paolo Ballesteros, sina Vicky at Cristalle Belo Henares at Bianca Manalo lang yata ang babaeng talents niya,” kuwento sa amin.

At isa pang revelation sa amin ay kinuha na rin daw ni Richard Gutierrez si Jojie bilang consultant sa career nito? Samakatuwid,  wala na si Chard sa pangangalaga ng mommyAnnabelle Rama niya?

“Malalaman mo, iba na ang packaging ni Richard sa mga susunod niyang presscon,”say pa sa amin ng kausap naming taga-Viva.

At heto pa ang malaking revelation, ateng Maricris, ”walang nagawa si mommy Divine (Geronimo) kay Sarah ‘no? Hindi niya napigilan ang holding hands nina Matteo (Guidicelli) at Sarah maski maraming nakakita?

“Mukhang si Matteo lang yata ang lumusot kay mommy Divine.”

Sa madaling salita, indirect ng inamin nina Matteo at Sarah na officially on na sila? Dahil base nga sa nakita naming litratong kumalat sa social media ay panay ang holding hands ng dalawa sa nakaraang birthday party ng aktor.

At take note, magkakasama raw sa isang table sina mommy Divine at magulang ni Matteo?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …