Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, sinundo ng Ferrari sports car ni Derek (Matagal nang idine-date ang actor bago pa matsismis kay Bistek)

ni  Reggee Bonoan

SINO ba kina Derek Ramsay at Quezon City Mayor Herbert Bautista ang totoong idine-date ni Kris Aquino?

Kumalat kasi ang tsikang nakitang sumakay sa Ferrari sports car ni Derek noong Linggo si Kris nang sunduin daw siya ng aktor sa NAIA Terminal 2.

Galing ng Singapore si Kris kasama ang mga pamangkin at dalawang anak na sina Joshat Bimby para sa junket interview sa cast ng The Amazing Spiderman 2.

At naguluhan din kami dahil nakitang dumaan sa taping ng Kris TV si Makati Mayor Jun-Jun Binay kasama ang tatlong anak na babae na ipinost naman ng TV host sa kanyang Instagram.

Kaya pala blooming at masaya ngayon si Kris dahil tatlong lalaki ang dumadalaw sa kanya, dalawang Mayor at isang aktor?

Samantala, tinanong namin ang kaibigan ni Derek tungkol sa tsikang sinundo si Kris,”magkaibigan talaga sina Kris at Derek noon pa, hindi ba nga naka-post pa sa Instagram ni Kris na may picture sila ng daddy ni Derek? Okay sila and they’re enjoying each other’s company.”

Kaya pala may nagtanong sa aming katoto kung si Derek ba ‘yung idine-date ni Kris bago kumalat ang pangalan ni Mayor Bistek.

“Matagal ng close sina Kris at Derek, hindi lang nababalita masyado,” katwiran ulit sa amin.

At dahil hindi pa rin malinaw sa amin ang kuwento tungkol kay Derek ay tinext namin si Kris tungkol dito at ang sagot sa amin, ”naku, Reggee, sobrang late ka na sa balita? Anong nangyayari na sa ‘yo?” tumatawang sabi sa amin.

Masaya ang tinig ng Queen of All Media sa kabilang linya kaya ang tanong namin ay officially on na sila ng lalaking nagpapasaya sa kanya?

Sabay tawag sa amin ni Kris, ”I won’t confirm or deny, basta paninindigan ko kung ano ang sinasabi ko, pabayaan mo na ako, Reggee, love-love-love na lang.”

Sabi pa, ”masaya ako kasi three (3) movie outfit offers us for Metro Manila Film Festival, ‘di ba ang saya-saya?”

Tinanong namin kung anong movie outfit, ”at saka ko na sasabihin, we have a meeting this week at malalaman mo this week, as of now, love-love-love muna,” sabi sa amin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …