Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jopay at Joshua, next year na magpapakasal

ni  Reggee Bonoan

‘FEEL ko ang Buhay’ ito ang tagline ng Neurobion mula sa Merck Inc. Philippines, ang gamot sa pangangawit, pamamanhid, at tusok-tusok ng mga taong kulang sa bitamina.

Sa pamamagitan ng throwback dance concert na ginanap sa Trinoma Activity Center ay nagkaroon ng free check-up ang netizens para malaman nila kung kulang sila sa bitamina b1, b2, at b3 dahil nagkakaroon sila ng body pains, tingling sensations at numbness, Neuropathy Awareness ‘ika nga.

At bilang pakikiisa sa Neuropathy Awareness ay nakiisa ang orihinal na miyembro ng grupong UMD sa pangunguna nina Wowie de Guzman at James Salas; Sexbomb na sina Jaja Barro, Donna Veligiano, at Jopay Paguia; Manoeuvers na si Joshua Zamora.

Saksi kami kung paano tinilian sina Wowie at James na sikat na sikat noong 1990’s bilang UMD habang sumasayaw sila ng Dying Inside to Hold You at Get Down.

”’Yung Isinasayaw ng lahat ng tao ‘yung mga pina-uso naming sayaw. Actually lahat kami may Inilabas kaming mga piyesa noon. Kapag natandaan ‘yun ng mga tao, talagang markado. Kaya nga kami nandito ulit dahil sa mga sayaw na Ipinauso namin,”say ni Wowie nang maka-tsikahan siya ng entertainment media sa Itallianis Restaurant bago ang dance concert.

Aminado rin ang dating ka-loveteam ni Judy Ann Santos na, ”mas mararaming magagaling ngayon kasi ang dami nilang napapanood. Sa Internet maraming napapanood na inspirations. Para sa akin mas magagaling ngayon ‘yung mga bata.”

Samantalang si Joshua na kilala bilang Maneouver ay aminadong ingat na siya sa mga kinakain niya dahil mahirap na raw gumalaw o sumayaw kapag kulang siya sa ehersisyo.

Sa edad na 44 ay mapagkakamalan pang 30 lang ang boyfriend ni Jopay dahil baby face at napanatili nitong maganda ang pangangatawan.

Nagulat nga kami dahil ang panganay niya pala ay edad 22 na at miyembro na rin ng Maneouver, ”sila na ‘yung pumalit sa amin at mas magaling siyang sumayaw kasi iba na ‘yung mga pitik nila kompara sa amin noon,” kuwento ni Joshua.

At inamin din na malapit na silang pakasal ng girlfriend niyang Sexbomb dancer na si Jopay.

Sa totoo lang ateng Maricris, ang bibilis at mahuhusay pa ring kumilos ang mga nabanggit na dancers kaya iisa ang tanong namin sa kanila kung umiinom na sila ng Neurobion, ”hindi pa, pero kapag nakaramdam na kami ng panginginig susubukan namin.”

Samantala, curious din kami kung natatalo na ba ang branded medicines tulad nitong Neurobion ng generic medicines?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …