Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Solenn, mahilig magpakita ng panty (At sa sobrang kagandahan, walang makitang kapintasan)

ni  Reggee Bonoan

Parehong first time magkatrabaho sina Vhong Navarro at Solenn Heussaff at sobrang pasalamat ang aktor sa bago niyang leading lady dahil malaki ang naitulong sa kanya para maibalik ang self-confidence.

Bukod dito ay wala raw arte sa katawan si Solenn bukod pa sa masarap kausap maski abutin sila ng magdamag.

Hindi lang si Vhong ang pumuri kay Solenn kundi buong cast tulad ni John Lapus dahil siya raw ay ilang oras bago maayusan samantalang ang dalaga ay dumating sa set na nakataas ang buhok at mineyk-apan ang sarili at pagkatapos ay inilugay na ang buhok sabay take na.

“Nakakaloka si Solenn, ‘di ba, inilugay lang ang buhok, take na? Samantalang kami, ang tagal pa bago maayusan, siya tapos na agad?” kuwento ni Sweet.

At mas lalo raw natutulala ang lahat kapag nakikitaan ng panty si Solenn bilang si Annie na parating naka-mini skirt na labas ang under-wear.

Kaya naman naaliw ang entertainment press sa presscon dahil sa pagpapakita ng panty ni Solenn.

May kissing scenes din daw sina Vhong at Solenn kaya ang tanong kaagad sa dalaga ay kumustang kahalikan ang aktor?

“Malambot ‘yung lips niya,” mabilis na sagot ng dalaga.

Kaya ang kasunod na tanong ay kung good kisser si Vhong?

“Yes, very good. Very good. Ako ‘yung momol queen, ‘di ba? So, approved sa akin! I approved!,” napangiting sabi ni Solenn.

Tumawang sabi ni Vhong, “kawawa talaga mga komedyante. Kasi, napupuri lang sa pagpapatawa at saka ‘yung talent, ‘yung hitsura, tablado talaga.”

At inaasar ni Vhong sina, “kaya Tsong, Smokey, Empoy, BELAT!!!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …