Friday , December 27 2024

Edna ni Ronnie Lazaro, pang-Cannes Film Festival

 

ni  Reggee Bonoan

NALULA kami sa ganda ng bonsai collections ng indi producer ng Edna na si Anthony ‘Tonet’ Gedang nang ilibot niya kami sa kanyang bahay sa isang eksklusibong subdivision noong Huwebes.

Bago nag-umpisa ang presscon para sa indi film na Edna na pagbibidahan nina Irma Adlawan,Kiko Matos, at Ronnie Lazaro na siya ring direktor ay nagkuwento muna si Mr. Gedang ng tungkol sa buhay niya at kung paano siya nagkaroon ng masaganang buhay, magandang negosyo at mamahaling koleksiyon na binili pa sa iba’t ibang bansa.

Noong 1983 raw nagtapos ng kursong BS Commerce sa Adamson University si Mr. Gedang o Tonet (daw ang itawag) at kumuha naman ng Master in Business Administration (MBA) sa Ateneo University.

Ang Ataul For Rent na idinirehe ni Neil ‘Buboy’ Tan ang unang sabak ni Tonet sa indi film mula sa itinatag niyang Artiste Entertainment Works International at umani ng maraming parangal kaya’t nasundan ulit ng Casa at itong Edna nga ni Irma.

Sabi nga ni Tonet, ”para akong nagma-matrikula rito sa ‘Edna’ kasi medyo mahal na, gusto kong subukan lahat kasi sa ibang negosyo ko, number one na ako, eh.”

Sa kasalukuyan ay si Mr. Gedang ang presidente ng WaterKonsult Equipment and Services, Inc., na leading water equipment and service supplier sa Manila Water, Maynilad at iba pang water utilities and districts sa buong Pilipinas. Dati siyang salesman sa Uptown Industrial Sales hanggang sa nagtayo ng sariling negosyo.

Hannggang sa napag-aralan din niya kung paano mag-alaga ng bonsai at naging hobby na niya, ”next thing I knew, I was joining different international and local bonsai competitions. I won in the Asia-Pacific. The Taiwan competition was the toughest. Japan kasi hindi pareho ang halaman natin.”

Sa ngayon ay hindi na raw sumasali si Tonet sa competition kundi nag-i-sponsor na lang daw siya.

Aniya, ”nag-i-sponsor na lang ako sa kanila sa mga exhibit.”

Bukod sa bonsai ay pinasok na rin ni Tonet ang Artifacts o mga antique collection na sa national museum mo lang makikita at mapapanood naman sa National Geographic o pelikula tulad ngIndiana Jones series.

Ang lahat ng ito ay nasa mismong loob ng bahay ni Tonet na sadyang ginawang mini-museum,”may mga libro na ito, ako sumulat at mabibili na sa National Bookstore at Fully Booked.”

Nabanggit din sa amin na noong isang buwan ay hiniram daw ang magagagandang 60 artifact collections ni Anthony na kasalukuyang naka-display ngayon sa Adamson University para sa bagong gallery nila na naka-feature ang Travel, Learn, Conquer: The Gedang Experience at ang Ayala Museum mismo ang sponsor sa exhibit.

Sabi nga ni Tonet ay ito raw mga koleksiyon niya ang nagpapasaya sa buhay niya at pampatanggal ng stress kasama na ang pag-produce ng indi films na sooner ay makikipag-sosyo na sa malalaking movie outfit.

“Hindi naman nila mauubos ang balon ko (pera) kasi malalim, ha, ha, ha. Negosyante ako kaya alam ko at itong pagpo-produce ang next project ko,” birong sabi ni Tonet.

Going back to Edna, nabuo raw nila ni Ronnie ang istorya sa ilang gabing inuman at kuwentuhan at ang aktor na rin ang hinimok ni Tonet na magdirehe nito kaya’t tuwang-tuwa ang karakter aktor na sa tagal ng panahon niya sa showbiz at ‘di mabilang na parangal ay ngayon lang  nabigyan ng break.

At in fairness, base sa trailer ng Edna, talagang speechless kami dahil akala namin ay si direk Mark Meily ang direktor, ganito kasi ang estilo niya pati mga anggulo. At take note, Alexa HD ang gamit na camera.

May planong isali nina Ronnie at Tonet ang Edna sa Cinemalaya Film Festival sa Hulyo 2014 at nagpadala na rin sila ng sulat sa Cannes Film Festival at hinihintay na lang ang sagot.

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *