Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cherie, balik-taping na sa Ikaw Lamang

ni  Reggee Bonoan

“T o set the record straight: Cherie Gil is supposed shoot her scenes till 2AM (the usual cut off) but she wanted to leave at 10PM to attend a send off party. Siyempre, hindi siya pinayagan ng production kasi hindi siya nagpa-alam ahead of time.

“She was permitted to a 2-week leave for her musical play. The day she walked out of the taping was the day she resumed taping for Ikaw Lamang. Why blame the production? Why blame the writers? This is not fair! Teka lang ha.” Ito ang umaalingawngaw na post ng Dreamscape Entertainment publicist na si Eric John Salut sa kanyang Facebook  account noong Huwebes ng gabi.

Kaya’t marami ang nagtatanong kung ano ang nangyari dahil kilalang propesyonal si Ms Cherie Gil?

Akala pa nga namin ay ‘gimik’ lang ito para sa Ikaw Lamang master-serye pero naisip namin bakit kailangan ng paingay, eh, mataas ang ratings nito kasunod ng Dyesebel?

Kaya kahapon ay tinext namin si Eric kung ano na ang mangyayari sa karakter ni Cherie bilang si Miranda Salazar-Hidalgo na asawa ni Tirso Cruz III bilang si Mayor Eduardo Hidalgo ng Barangay Salvacion, Negros.

“Wait natin from the bosses,” maiking mensahe sa amin.

Kaya’t nagtanong kami sa taga-production ng Ikaw Lamang kung ano ang plano kay Cherie at sinagot kami ng, ”okay na siya, nagte-taping na ulit siya now (kahapon).”

Sa madaling salita, buhay pa rin si Miranda Salazar-Hidalgo sa Ikaw Lamang dahil balik-taping na si Ms. Cherie? Marahil ay napag-isipang mabuti ng The Diva o ng kontrabidang aktres na hindi siya kawalan kung sakaling papatayin ang karakter niya dahil madali namang ibahin ang istorya.

Baka nga si Cherie pa ang manghinayang dahil malaking kawalan ito sa kanya na tatlong beses sa isang linggo sila nagte-taping, eh, mahal yata ng talent fee ng aktres?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …