BINALEWALA ng Palasyo ang ulat na malapit kay Justice Secretary Leila de Lima ang matataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may koneksiyon kay Janet Lim-Napoles at hindi ang pinasibak niya kay PNoy na dalawang deputy directors.
Tila nag-iba ng tono si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nang usisain kung ang Napoles isyu ba ang dahilan sa pagsibak kina NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala.
“Sa akin pong pagkakaintindi, hindi lang naman ho isang… poarang the President considered the totality of issues. And at this point in time, the President felt that replacing them will be for the benefit of the institution,” ani Valte.
Inismol pa niya ang pahayag nina Esmeralda at Lasala na handa silang patunayan na bago lumabas ang warrant of arrest laban kay Napoles ay nakipagpulong ang multi-billion pork barrel scammer kina noo’y NBI Director Nonatus Rojas at Deputy Director Rafael Ragos na parehong malapit kay De Lima.
(ROSE NOVENARIO)