PAIIMBESTIGAHAN ng Palasyo ang posibleng paglabag sa Saligang Batas ng pagtatayo ng emperyo ng negosyo sa bansa ni Indonesian tycoon Anthoni Salim.
Reaksyon ito ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., sa pagbubulgar ng kolumnistang si Rigoberto Tiglao hinggil sa pagkontrol ni Salim sa pangunahing mga industriya sa Filipinas, kabilang ang public utilities tulad ng Manila Electric Company (Meralco), Maynilad, at PLDT/Smart/Sun, gamit na dummy ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan.
Ipinagbabawal sa 1987 Constitution na magmay-ari ang dayuhan ng mahigit 40% sa kompanyang may negosyo sa Filipinas.
“Well, kung ‘yung Saligang Batas o batas mismo ng ating bansa ay nilabag, siyempre may katungkulan ang pamahalaan na siyasatin ito at panagutin ‘yung mga lumabag,” ani Coloma.
ni ROSE NOVENARIO