Monday , May 5 2025

Yaman ng solons sa ‘pork’ scams i-freeze (Hiling ng DoJ)

091813_FRONT

HIHILINGIN ng Department of Justice (DoJ) sa korte na magpalabas ng freeze order laban sa assets ng mga personalidad na kabilang sa kinasuhan kaugnay sa kontrobersyal na pork barrel scam.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, nakikipag-ugnayan na sila sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), matapos ang pormal na pagsasampa ng kaso, sa layuning maipa-freeze ang assets ng mga sangkot sa kontrobersya.

Kamakalawa, pormal nang kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman ang mga senador na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile.

Kabilang din sa mga kinasuhan ang dalawang dating kongresman na sina Rep. Rizalina Sechon-Lanete at Rep. Edgar Valdez, sinasabing tumanggap ng mahigit P50 milyon.

Pasok naman sa kasong malversation of public funds at direct bribery sina dating Rep. Rodolfo Plaza, Rep. Samuel Dangwa at Rep. Constantino Jaraula dahil mababa sa P50 milyon ang nakomisyon.

P581-M KICKBACKS NINA JPE, JINGGOY, BONG

INIHAYAG ng National Bureau of Investigation (NBI), umaabot sa P581 milyon ang nakulimbat sa pork barrel ng tatlong senador na sina Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile at Ramon Revilla, Jr.

Kay Enrile ay nasa P172,834,500, habang kay Revilla ay nasa P224,512,500; at ang kay Estrada ay umaabot sa P183,793,750, pawang pasok sa threshold ng kasong plunder na P50 milyon.

ni BETH JULIAN

About hataw tabloid

Check Also

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It …

Sara Duterte

Kaya nag-endoso ng kandidatong senador
VP SARA ‘TAGILID’ SA IMPEACHMENT

NANINIWALA ang abogadong si Atty. Antonio Bucoy na nararamdaman ni Vice President Sara Duterte na …

050225 Hataw Frontpage

Sa SCTEX toll plaza
12 PATAY, 28 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

HATAW news Team HINDI bababa sa 12 katao ang naiulat na binawian n buhay habang …

PAPI Senate Survey

Bong Go, Marcoleta, at Tulfo Nanguna sa Kalye Survey ng mga Motorista at Mamimili sa Palengke

Nanguna sina Senator Bong Go, Rep. Rodante Marcoleta, at broadcaster Erwin Tulfo sa isang kalye …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *