Thursday , March 27 2025

Ria Atayde, malakas ang dating bilang Teacher Hope sa Ningning

082115 ria atayde ningning

00 Alam mo na NonieISA ang magandang newcomer na si Ria Atayde sa kinagigiliwan ng manonood sa top rating TV series na Ningning ng ABS CBN. Bukod sa bidang child star dito na si Jana Agoncillo, si Ria ay may mahalagang papel sa TV series na ito na napapanood tuwing umaga bago ang Its Showtime.

Kahit unang sabak pa lang ni Ria sa pag-arte, ang dalagang graduate ng Dela Salle University ay unti-unti nang napapansin sa kanyang pagganap sa Ningning bilang Teacher Hope dahil sa taglay niyang ganda at talento sa pag-arte.

Plano dapat ni Ria na mag-apply sa CNN Philippines after magtapos sa kolehiyo, pero mas malakas daw ang hatak sa kanya ng sining ng pag-arte. Kaya pumasok siya sa showbiz.

“Noong bata pa lang ako, naipangako ko sa sarili ko na pumasok sa showbiz. Pero habang lumalaki, na-focus ako masyado sa school.

“Pero noong college na ako, saka ko na-realize na gusto ko talagang pumasok sa showbiz. Pero hindi para sabihing nasa showbiz ako or para maging celebrity, kundi para sa pag-arte talaga. Kasi, natutuwa ako kapag ginagawa ko yun e,” esplika niya.

Si Ria ay anak ng batikan at award winning actress na si Sylvia Sanchez at nakababatang kapatid ni Arjo Atayde. Aminado ang dalaga na malaki ang influence sa kanya ng ina sa pag-entra niya sa showbiz.

“Opo, malaki ang influence niya. Kasi noong bata pa lang kami ni Arjo, parati po niya kaming dinadala sa mga taping niya. Iyong tipong nandoon po ako sa OB Van, naka-upo at nanonood sa kanila.

“Kaya parang nasanay din kami sa ganoon. Kaya parang hindi ko na ma-imagine ang sarili ko na iba ang ginagawa ko,” nakangiting saad pa niya.

Nagpapasalamat si Ria na bukod sa kanyang supportive na parents at kapatid, mababait ang kanyang mga kasama sa kanilang teleserye. Natutuwa rin si Ria dahil may ibang tumatawag na rin sa kanya ngayon bilang Teacher Hope.

Kaya sobrang nag-e-enjoy daw siya sa kanyang trabaho.

“Ay, sobra po! Sobrang nag-eenjoy ako sa trabaho ko. Sa lahat po ng tao sa set ng Ningning, sa mga crew at casts, ang sasaya nilang kasama. Ang babait nila, welcoming silang lahat.

“At saka puro bata po ang mga kasama ko. Kaya nakakatuwa po talaga. Sobrang babait po nila. Bilang teacher sa Ningning, lagi kong kasama sina John Steven de Guzman at Jana.

“Love na love ko ang dalawang batang iyan, ang lalambing ng dalawa, palagi silang nakayakap sa akin. Tapos kunwari po ay magkakamali ako, sila pa ang nagsasabi sa akin na, ‘Kaya mo iyan, okay lang iyan.’

“Kaya nagpapasalamat ako na sobra akong suwerte sa mga kasama ko sa Ningning, ang gaan lang ng trabaho namin, e,” masayang saad pa ni Ria.

So far, may sad experience ka na ba sa showbiz?

“Wala pa naman po so far. Sad lang ako personally kapag minsan, feeling ko na kulang iyong pa-arte ko. Alam mo yun? Iyong parang nakaka-frustrate lang dahil alam ko na may kaya pa akong ibigay?

“Pero, natututo naman po ako. So, naaayos ko rin naman po yun. At saka iyong pagta-Tagalog ko, doon ako nag-i-struggle lang. Pero tina-try ko naman hasain iyong pagsasalita ko.”

Nagpahatid din si Ria ng pasasalamat sa mga suki nilang manonood.

“Nagpapasalamat ako sa kanilanag lahat, sobrang nakakatuwa po dahil alam ko naman na sobrang pinaghihirapan ng lahat ang bawat episode nito. At nakakataba po ng puso na malaman na maraming nag-eenjoy sa TV series naming Ningning.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Jojo Mendrez Rainier Castillo Mark Herras

Jojo goodbye Mark na, hello Rainier

HARD TALKni Pilar Mateo LAGING mabilis ang ikot ng mga pangyayari sa buhay ngayon ng …

Bam Aquino Pio Balbuena

Pio Balbuena nagpasalamat kay Sen Aquino sa pagbibigay pag-asa sa mga tambay

NAPAKALAKING bagay na mabigyang pagkakataon na makabalik sa pag-aaral ang mga tambay. At naisakatupar ito …

Arjo Atayde SODA

Arjo ilang beses naluha sa kanyang SODA: 400K residente nakikinabang sa Aksyon Agad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez EMOSYONAL si Congressman Arjo Atayde sa kanyang State of the District Address (SODA) …

Aga Muhlach Atasha Muhlach Andres Muhlach Charlene Gonzales

Aga ipinagmamalaki Andres at Atasha

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMALAKI ni Aga Muhlach ang anak na si Andres na itinanghal na Best …

Arjo Atayde

.4-M plus residente ng QC 1st Dist., nabiyayaan sa Aksyon Agad program ni Cong. Atayde

SA KAUNA-UNAHANG State of the District Address (SODA) ni Quezon City First District Rep. Juan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *