Thursday , June 4 2026
MTRCB
MTRCB

Paalala ng MTRCB sa mga PUV Operators: “G” at “PG” na palabas lang sa bawat biyahe

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, muling nagpaalala ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga operators at drivers ng pampublikong transportasyon (Public Utility Vehicle) na tanging “G” (General Patronage) at “PG” (Patnubay at Gabay ng Magulang) lamang ang pwedeng ipalabas sa loob ng PUVs.

Batay sa MTRCB Memorandum Circular No. 03-2024, kinikilala bilang common carriers o isang sinehan na rin ang mga PUV dahil nagpapalabas sila ng mga pelikula na sakop ng MTRCB.

Batay sa Chapter III Section 2 ng nasabing batas, dahil sa karakter at aksesibilidad ng mga PUV anuman ang edad, “tanging G o PG lang ang pwedeng ipalabas sa mga common carriers at pampublikong lugar.”

Ito ay para matiyak na ang mga pelikula ay angkop para sa lahat ng biyahero at hindi magkakaroon ng negatibong epekto sa mga bata na bumabyahe kasama ang kanilang pamilya.

“Kasama po sa aming mandato na matiyak na ang lahat ng palabas sa loob ng pampublikong transportasyon ay ligtas para sa lahat ng pasahero, lalo na sa mga batang mananakay,” sabi ni Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio.

Binigyang-diin din ni Sotto-Antonio na ang hakbang ay parte ng mas malawak na responsibilidad ng Ahensya na masiguro ang ligtas na byahe ng bawat pamilyang Pilipino.

Hinihikayat din ng Board ang mga pasahero na isumbong sa MTRCB ang mga makikitang lumalabag sa naturang polisiya. Maaaring ireport sa pamamagitan ng opisyal na social media channels ng MTRCB (@MTRCBGov) at email: [email protected].

Ang mga pasaway ay parurusahan batay sa Presidential Decree No. 1986 at Chapter XIII ng 2004 Revised Implementing Rules and Regulations.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …