Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benjie Austria

Engr. Benjie Austria, adbokasiya’y tumulong sa showbiz industry

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SI ENGR. BENJIE AUSTRIA ang producer na nasa likod ng ilan sa magagandang pelikulang napanood ng madla. Una rito ang “Broken Blooms” na pinagbidahan ni Jeric Gonzales, na nanalo pa ng mga awards pati sa international filmfest.

Kabilang din dito ang “Huwag Mo ‘Kong Iwan” ni Direk Joel Lamangan na tinampukan nina Rhian Ramos, JC de Vera, at Tom Rodriguez.

This time, ang bagong obra ni Direk Joel na pinamagatang “Fatherland” ang aabangan sa movie company ni Engr. Benjie. Pinagbibidahan ito nina Allen Dizon at Iñigo Pascual.

Third movie na niya ito at may kasunod na agad, ang “Graduation Day” nina Jeric at Elizabeth Oropesa.

Sinabi ni Engr. Benjie ang gusto niyang klase ng pelikula.

Aniya, “Gusto ko ang mga klase ng movies na inspirational siya, iyong talagang may mapupulot na aral ang viewers. Like itong Fatherland na mayroong aral with regards to the family, broken family.  At the same time, iyong bata na hinahanap niya ang kanyang tatay. Talagang makare-relate ang masa sa movie namin.”

Aminado rin ang mabait na movie produ na challenging ang paggawa ng pelikula ngayon.

“To be honest, actually alam naman natin ang showbiz ngayon, iilan lang ang papanoorin na pelikula, alam natin iyan.

“What I mean is, kaya nandito tayo ngayon ay para makatulong sa showbiz industry, lalo na iyong mga pelikulang Filipino ngayon. Na dapat invite natin ang mga kababayan natin para matulungan natin ang ating film industry.”

Ayon pa sa kanya, advocacy niya ang makatulong sa mga nasa showbiz industry.

“Actually, lahat naman siguro ng mga negosyante ay hangad ang magka-ROI ka, at the same ay kikita ka rin para mapa-roll ‘yung pera mo. Pero sa ngayon, sabi nga nila, isipin mo muna ‘yung quality films na may magandang istorya at the same time ay makatulong ka… iyong advocacy ko kasi, sabi ko, help as best as you can. So iyong mga taong nangangailngan ay matulungan mo. At iyong nga actors na may mga talents ay natutulungan ko. Iyon muna ang priority ko kaysa iyong  ROI.

“Kasi sabi nga nila one day magkakataon din na magkakaroon ka ng movie na blockbuster at sana ay ibigay din iyon ni Lord. Kasi, maganda naman talaga ang hangarin natin,” sabi pa ni Engr. Benjie.

Tampok din sa pelikulang isinulat ni Roy Iglesias ang mga de-kalibreng artistang gaya nina Cherry Pie Picache, Angel Aquino, Richard Yap, Mercedes Cabral, Jim Pebanco, at Max Eigenmann.

Nandito rin sina Rico Barrera, Abed Green, Kazel Kinouchi, at showbiz royalty na sina Ara Davao at Bo Bautista.

Ang Fatherland ay prodyus ng Bentria Productions ni Engr. Benjie Austria at ng Heavens Best Entertainment ni Harlene Bautista.

Mapapanood ang pelikula simula April 19, in cinemas nationwide. Magkakaroon din ito ng celebrity premiere sa April 22, sa Gateway Cinema 11.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …