RATED R
ni Rommel Gonzales
BALIK-SHOWBIZ si Mark Neumann makalipas ang anim na taon.
Muling mapapanood si Mark sa big screen sa isinu-shoot na action movie na Beyond the Call of Duty.
Bakit nga ba nanahimik ng anim na taon si Mark?
“I just wanted to raise my son in peace and you know, to try something else as well.”
Six years old na ang anak na lalaki ni Mark na si Martin na ang ina ay isang Cebuana na non-showbiz.
“I’m a single dad, I’m co-parenting,” pahayag ni Mark, na wala raw karelasyon ngayon.
Hinding-hindi itinago ni Mark sa publiko ang kanyang anak.
“Probably hindi lang nakita siguro but I brought my son to my tapings.”
Maging sa social media niya ay ipinakikita niya ang kanyang anak.
“I have videos of him. It’s just not that often because, again, I do really appreciate my private life other than work life.
“So yeah, he’s seen there. No problem.”
Bakit raw niya itatago ang anak niya.
“Why would I? That’s my son.”
Bukod sa pag-aartista ay may negosyo si Mark sa Cebu na isang café.
Samantala, bukod kay Mark, ang mga bumubuo ng cast ng Beyond The Call of Duty ay sina Sparkle actor Martin del Rosario, Jeffrey Santos, Teejay Marquez, Mart Escudero, Paulo Gumabao, Maxine Trinidad, Bella Thompson, Lance Lucido, Devon Seron, at Christian Singson.
Ang direktor nito ay si Jose “JR” Olinares na supervising producer din ng pelikula.
Ang Beyond The Call Of Duty ay pelikulang tungkol sa buhay ng mga pulis at bumbero dito sa ating bansa.
Sina former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at anak nitong si Stephanie Singson ang mga executive producer ng pelikula (LCS Film Production), si Billy Ray Oyanib ang co-director at si Sam Faj Calaca naman ang tumatayong line producer.
Katuwang nila sa pagbuo ng pelikula ang Philippine National Police (PNP), Philippine Public Safey College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP), at ang PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc.
Ang PinoyFlix Films and Entertainment Production ang magre-release ng pelikula sa May 28.