Friday , April 25 2025
Jackstone 5

Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnell Ignacio, Jim Pebanco, at Direk Joel Lamangan, kaabang-abang na mga bading sa Jackstone 5

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANG ang pelikulang Jackstone 5 na tatampukan nina Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnell Ignacio, Jim Pebanco, at Direk Joel Lamangan. Ang batikang si direk Joel din ang direktor nito, na hatid ng Royal Star Media Productions.

Mula sa panulat ni Eric Ramos, ang pelikula ay isang drama-comedy, pero mas lamang daw ang comedy na mapapanood dito.

Ang pelikula ay tungkol sa limang gays na matagal nang magkakaibigan at nasa senior stages na ng kanilang buhay. Nabuo ang pangalan ng kanilang barkadahan dahil iniidolo nila ang grupo ng magkakapatid na The Jackson 5.

Taong 1976 nang nabuo ang pagkakaibigan ng limang baklang teenager sa isang munting bayan ng Laguna. Tatlo sa kanila ay wagas na binabae, ngunit isa sa kanila ay takot magladlad dahil sa pagmamalupit ng amang galit sa bakla. May dalawang tigasin sa kanila, pero berde rin ang dugo. Nag-bonding silang lima sa larong jackstone at sabay-sabay silang nangarap na makapagtrabaho sa ibayong dagat.

Nag-Valentine concert sa Filipinas noong 1976 ang Jackson 5 at nang nagpunta sa Pagsanjan para magbakasyon, naglakad ang limang baklita nang anim na oras mula sa kanilang barangay. Pumuntang Pagsanjan para lang masilayan ang kanilang mga idolo na pinangungunahan ng young Michael Jackson, na magiging future King of Pop.

Pero sa kasamaang palad, bigo silang makita kahit anino man lang ng kanilang mga idol. Pero rito nila naisip ang pangalan ng kanilang grupo, ang Jakstone 5.

Si Eric ay balik-acting dito sa papel ni Felicity, isang drama queen na biktima ng marahas na kalupitan ng ama dahil sa kanyang kabaklaan.

“Siyempre exciting ito na mayroon akong bagong project with direk Joel Lamangan. It’s been a while since the last time na gumawa ako ng movie. And what a way to do movies again, especially at the helm of Direk Joel,” nakangiting sambit ni Eric.

Nagpasalamat naman si direk Joel sa producer ng kanilang pelikula.

“Nagpapasalamat ako sa bagong production outfit, ang Royal Star Media Productions Philippines Incorparated, na kauna-uanahang pagkakataon na magprodyus ng pelikula. At nagpapasalamat ako na it’s thru Arnell Ignacio ay nag-push through po ang project na ito.

“Ang mga characters namin dito ay mga OFW na nagtrabaho sa abroad at nandito na sa Filipinas muli ngayong nagkaedad na. Maganda po ito dahil ito ay samahan ng mga nagtrabaho sa abroad. Ang kanilang friendships, ang kanilang failures, at kanilang mga problema, na kung paano na hanggang sa ngayon ay magkakaibigan pa rin sila,” esplika ng award-winning director.

Si Arnell na Administrator ng OWWA ay nagpahayag na excited ang Oversees Workers Welfare Administration (OWWA) sa collaboration nila sa pelikulang ito ni Direk Joel.

Aniya, “Dahil malaking-malaking tulong ito sa pagpapaliwanag ng mga programa ng OWWA for OFWs, kasi maraming incorporated dito na malaki ang relasyon sa amin pong ginagawang trabaho.

“But of course this will be delivered in a form of comedy, kaya talagang inaasahan po namin na magiging hit ito. At the same time, it will be a huge help sa government efforts para matulungan natin ang ating OFWs.”

Aminado sina Gardo at Jim na big fan sila ni Michael Jackson.

Saad ni Gardo, “Fan na fan ako ni Michael, noon mayroon akong mga cassettes niya, mga steps niya inaaral ko.

“Noong time na nawala siya mabigat sa akin kasi parang hindi siya namatay sa katandaan, kumbaga napadali. Pero noong peak niya, iyon isa ako sa mga nakikisayaw, nakikisabay sa kanya.”

Ayon naman kay Jim, “I’m a fan of Michael Jackson, Jackson 5 pa. Medyo nalungkot ako kasi na-disband iyong lima. Magagaling ang magkakapatid.”

Ang in-demand at masipag na line producer na si Dennis Evangelista ay ipinahayag naman ang papel ng OWWA sa pelikulang ito.

Aniya, “Mayroon po itong partnership with OWWA, to make things clear lang, ang OWWA po ay nagpa-participate not in terms of funding, kundi in terms of pagtulong, research, and everything… iyong mga technical aspects po. So, kinaklaro lang po namin, may participation po ang OWWA, in cooperation po, pero hindi po ito galing sa government funding.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …

Aira Lopez bday Mark Leviste

Aira Lopez may kilig birthday surprise

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGDIWANG ni Aira Lopez ang kanyang ika-27 birthday kasama ang pamilya, Sparkle family, …

Anthony Rosaldo Wish Bus

Anthony Rosaldo nagpasiklab sa The Roadshow ng Wish Bus

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG solid performance ang inihatid ni Anthony Rosaldo sa The Roadshow ng Wish 107.5 Busnoong April …