PINAYOHAN kahapon ng Quezon City Health Department (QCHD) ang mga residente sa lungsod na magsuot ng facemask kung lalabas ng kani-kanilang bahay.
Base sa pinaka-latest na Air Quality Index (AQI), may mga bahagi ng lungsod na ‘unhealthy’ at ‘very unhealthy’ ang kalidad ng hangin.
Kaya kung mayroong respiratory illness tulad ng hika, pinapayohan na iwasan munang lumabas ng bahay.
Kung hindi maiiwasan at kinakailangang umalis, magsuot ng mask.
Patuloy na mino-monitor ng lokal na pamahalaan ang AQI para tiyaking informed at updated ang lahat ng QCitizens sa kalidad ng hangin sa lungsod.
Para sa health concerns tulad ng hirap sa paghinga, hika, at iba pa, maaaring makipag-ugnayan sa QCHD sa Tel. No. (02) 8929-8038. (ALMAR DANGUILAN)