Friday , December 5 2025

Volleyball

Alas Pilipinas handa na sa FIVB Volleyball Men’s World Championship

Alas Pilipinas FIVB Volleyball Mens World Championship

HANDANG-HANDA na ang Alas Pilipinas para sa pagsabak sa FIVB Volleyball Men’s World Championship na gaganapin mula Setyembre 12 hanggang 28 sa Mall of Asia Arena at Smart Araneta Coliseum.“Handa na kaming gumawa ng kasaysayan,” pahayag ni Mr. Ramon “Tats” Suzara, Pangulo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF), sa isinagawang Media Day nitong Lunes ng koponan sa National Museum of …

Read More »

Sentro ng pandaigdigang volleyball umuugong sa Southeast Asia

AVC PNVF Tats Suzara PSC Pato Gregorio Somporn Chaibangyang Thana Chaiprasit FIVB Fabio Azevedo

UMUUGONG ang sentro ng pandaigdigang volleyball sa Southeast Asia kasabay ng inagurasyon nitong Biyernes ng kauna-unahang Asian Volleyball (AVC) House sa Bangkok. Naganap ito habang papalapit na sa huling dalawang araw ng pagho-host ng Thailand ng FIVB Women’s World Championship, at naghahanda na ang Pilipinas para sa pagho-host ng men’s global tournament sa loob ng isang linggo.“Ngayon, ito na ang …

Read More »

NU handang depensahan ang titulo sa 2025 SSL Preseason Unity Cup

Shakeys Super League SSLv Volleyball

IDEDEPENSA ng National University (NU) ang kanilang titulo sa 2025 Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup na magsisimula sa Setyembre 20 sa Playtime FilOil Center, San Juan City.Lalahok ang 16 koponan — anim mula UAAP at sampu mula NCAA. Hindi sasali ang De La Salle University at University of the East dahil sa rebuilding ng kanilang mga roster.“Bagamat 16 …

Read More »

Pilipinas, masinsinang naghahanda para sa sunod-sunod na pandaigdigang paligsahan sa larangan ng isports

Alan Peter Cayetano

MATAGAL nang ipinapahayag ni Senador Alan Peter Cayetano ang kanyang paniniwala na may kakayahan ang Pilipinas na magdaos ng mga pandaigdigang paligsahan sa isports. Ngayon, ang tiwalang ito ay unti-unting nagkakaroon ng katuparan.Mula sa matagumpay na pagdaraos ng 2019 Southeast Asian Games hanggang sa record-breaking na FIBA World Cup noong 2023, patuloy na pinatutunayan ng bansa ang kakayahan nitong pag-isahin …

Read More »

Elite ng mga elite sa world volleyball, darating para sa FIVB Men’s Worlds

Wilfredo Leon Poland Volleyball

DARATING na ang pinakamagagaling sa mundo ng volleyball — kabilang ang kasalukuyang kampeon na Italy, Olympic gold medalist na France, at world No. 1 na Poland — para sa FIVB Men’s Volleyball World Championship 2025 na gaganapin sa susunod na buwan sa SM Mall of Asia Arena at Smart Araneta Coliseum.“Elite sa pinakamataas na antas,” ayon kay Pangulo ng Philippine …

Read More »

Star player Tara ‘di makalalaro
Tunisia unang katunggali ng Alas Pilipinas sa FIVB Worlds

Wassim Ben Tara Tunisia FIVB

MAKAKAHARAP ng Alas Pilipinas ang powerhouse mula Africa na Tunisia sa unang araw ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship, ngunit hindi kabilang sa kanilang lineup ang star player na si Wassim Ben Tara. Si Tara, ang pangunahing scorer ng Tunisia noong 2020 Tokyo Olympics, ay wala sa opisyal na roster na inilabas ngayong buwan dahil sa naunang obligasyon. Gayunpaman, …

Read More »

“Set Na Natin ’To” Trophy at Mascot Tour, bibisita sa Laoag ngayong Sabado

Set Na Natin To PNVF

ISANG mini-tournament na lalahukan ng apat na koponan mula sa Ilocos Norte ang sasalubong sa pagdating ng “Set Na Natin ’To” Trophy at Mascot Tour sa darating na Sabado, Agosto 23, sa bagong bukas na SM City Laoag. Ang mga koponang Block Builders, Laoag MVT, PSQ at NWU ang maglalaban-laban sa torneo na gaganapin sa Dap Ayan Park bilang tampok …

Read More »

FIVB Men’s World Championship, ramdam na sa Cebu

FIVB Kid Lat Kool Log

UMABOT na sa Visayas, partikular sa Cebu City, ang kasabikan para sa FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025 nitong Sabado sa pangunguna ng world ambassador na si Eya Laure sa matagumpay na “Set Na Natin ’To” Trophy and Mascot Tour sa SM Seaside. Masiglang nakihalubilo si Laure sa mga tagahanga habang umawit ng opisyal na theme song ng torneo na …

Read More »

‘Family spirit’ ng volleyball, susi sa sports tourism — Cayetano

Alan Peter Cayetano FIVB Mens World Championship 2025

BINIGYANG DIIN ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules ang kahalagahan ng pamilya, pagtutulungan, at pasasalamat sa kanyang pagdalo sa paglulunsad ng hosting ng bansa para sa FIVB Men’s World Championship 2025. “Papasalamat ako that the way the Lord created Filipinos are napaka-hospitable natin at ang hilig natin sa bayanihan,” ayon kay Cayetano sa kanyang talumpati noong Agosto 13, 2025 …

Read More »

Paghahanda para sa FIVB MWCH, Mas Pinaigting sa Huling Buwan

Vinny Marcos Patrick Gregorio Tats Suzara

EKSAKTONG 32 araw ang nalalabi at puspusan na ang paghahanda para sa solo hosting ng Filipinas ng FIVB 2025 Men’s World Championship kalahok ang 32 bansa — mula sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at Local Organizing Committee (LOC), hanggang sa mga pangunahing stakeholder mula sa pamahalaan na pinangungunahan ng Malacañang at Philippine Sports Commission (PSC). “Lahat ay nasa tamang …

Read More »

LRTA, mas pinalakas ang kampanya para sa FIVB Men’s World Championship

LRTA FIVB Mens World Championship

LUBOS na ang pagpapaigting ng kampanya para sa pagho-host ng Pilipinas ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship matapos ang paglulunsad ng pakikipag-ugnayan sa Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Martes, sa pamamagitan ng makulay na biyahe ng tren mula Recto Station hanggang sa depot ng LRT-2 sa Santolan, Pasig City. “Simula ngayong araw [Martes], makikita ng mga pasahero ng …

Read More »

Candon, PNVF, pinapahalagahan ang ‘volleyball tourism’

Eric Singson Tats Suzara ANV PNVF

DAHIL sa tagumpay ng kasalukuyang 2025 Southeast Asian Volleyball League, hindi na nag-aksaya ng oras si Candon City Mayor Eric Singson sa susunod na hakbang ng kanyang sports tourism program at inanunsyo nitong Sabado ang planong i-host ang Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Nations Cup na gaganapin mula Hunyo 6 hanggang 13 sa susunod na taon. Kapansin-pansin, ang programa ay …

Read More »

FIVB Worlds hosting isang bihirang pribilehiyo — Vinny Marcos

Vinny Araneta Marcos FIBV

ANG Federation Internationale de Volleyball (FIVB) Volleyball Men’s World Championship Philippines 2025 ay isang pagkakataon para sa mga Pilipino na ipakita sa pandaigdigang komunidad na ang bansa ay bahagi ng internasyonal na larangan ng palakasan. Ito ang sinabi ni William Vincent “Vinny” Araneta Marcos, co-chairperson ng FIVB MWCH Local Organizing Committee, sa ginanap na “Spike For A Cause” Fundraising Dinner …

Read More »

Sports susi sa nation-building — Cayetano

Alan Peter Cayetano Volleyball FIBV

SPORTS ang pinakamabisang paraan para itanim sa kabataan ang lahat ng values na gusto nating makita sa ating bansa. Ito ang mensahe ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Sabado, June 28, nang makiisa siya sa Spike for a Cause,  isang fundraising dinner at fashion show para suportahan ang Alas Pilipinas at ang nalalapit na pagho-host ng Pilipinas sa FIVB Men’s …

Read More »

ALAS Pilipinas handa na sa SEA Men’s V.League sa Candon City!

Alas Pilipinas SEA V League

MAGPAPASIKLAB na naman ang ALAS Pilipinas sa harap ng home crowd—pero ngayon, may ranking points at cash prizes pa—sa Southeast Asian Men’s V.League na gaganapin sa Candon City, Ilocos Sur mula Hulyo 9 hanggang 13. Katatapos lang nilang humakot ng papuri sa Alas Pilipinas Invitationals sa Smart Araneta Coliseum, at ngayon, handa na silang pasayahin ang fans sa Norte, sa …

Read More »

Alas Pilipinas, Haharap sa Mas Mabigat na Hamon sa SEA Games

Alas Pilipinas, Haharap sa Mas Mabigat na Hamon sa SEA Games

MAGIGING mas mabigat ang laban na haharapin ng Alas Pilipinas women’s volleyball team sa nalalapit na 33rd Southeast Asian (SEA) Games sa Disyembre, na gaganapin sa Thailand, sa kanilang hangaring makamit ang inaasam na podium finish. Bagama’t galing sa matagumpay na kampanya kung saan nagtamo ng pilak sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Hanoi, Vietnam kamakailan, inaasahang mahihirapan pa …

Read More »

Pilak sa Hanoi, patunay ng maliwanag na hinaharap ng PH Volleyball

Pilak sa Hanoi, patunay ng maliwanag na hinaharap ng PH Volleyball

ISANG KOPONANG binubuo ng mahuhusay at dedikadong mga manlalaro, isang matiyaga at matatag na coach na hinubog ang team mula sa simula, at isang pederasyon na bumuo ng isang programang hindi agad magbubunga ng resulta ngunit nakakita ng malaking progreso sa loob ng tatlong taon. “Masaya kami sa ikalawang puwesto, nasa tamang landas kami… ito ay isang proseso,” sabi ng …

Read More »

Alas Pilipinas Umangat sa FIVB Rankings, Pasok sa Finals ng AVC Nations Cup

Tats Suzara Alas Pilipinas

NAKAPASOK ang Pilipinas sa finals ng 2025 Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Nations Cup sa Hanoi matapos ang isang mahigpit na limang set na panalo kontra Chinese-Taipei—isang tagumpay na nagtulak sa pag-angat ng bansa sa pandaigdigang rankings ng FIVB. Mula sa No. 56 bago magsimula ang Nations Cup, umangat ng 10 puwesto ang Pilipinas patungong No. 46 sa FIVB …

Read More »

Espejo kumamada ng 31 puntos, Alas Pilipinas wagi kontra Thailand, winalis ang Invitationals

Espejo kumamada ng 31 puntos, Alas Pilipinas wagi kontra Thailand, winalis ang Invitationals

BUMIDA si Marck Espejo sa kanyang 31 puntos para sa Alas Pilipinas na nakalusot sa dikdikang limang-sets na laban kontra sa eight-time SEA Games gold medalist naThailand, 21-25, 25-21, 25-22, 21-25, 15-12, para ma sweep ang Alas Pilipinas Invitationals Cup  noong Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao. Hindi naging madali ang laban, pero sa tulong ng mainit …

Read More »

Sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Hanoi, Vietnam
Alas Pilipinas (Women’s) ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan sa panalo kontra Kazakhstan

Bella Belen Alas Pilipinas AVC Womens Volleyball Nations Cup

TINALO ng Alas Pilipinas ang mas mataas na ranggong koponan ng Kazakhstan, 25-21, 25-15, 25-19, ngayong Araw ng Kalayaan (Huwebes) sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Hanoi upang muling makapasok sa semifinals ng parehong torneo kung saan nakamit ng Pilipinas ang tansong medalya noong nakaraang taon sa sariling bayan. Ang Filipinas, na nasa ika-47 na puwesto sa mundo, ay …

Read More »

Alas Pilipinas wagi laban sa New Zealand

AVC Womens Volleyball Nations Cup

ALAS PILIPINAS ay wagi kontra New Zealand, 25-17, 25-21, 25-18, upang manatiling buhay ang pag-asa para sa semifinals ng AVC Women’s Volleyball Nations Cup noong Miyerkules sa Hanoi. Maaaring tawagin itong isang “clinical” na panalo, pero ayon mismo kay team captain Jia de Guzman—ang beteranang setter na isa sa pinakamahusay sa kanyang posisyon—bawat panalo at pagkatalo ay isang mahalagang aral …

Read More »

Rebisco, katuwang ng FIVB Men’s World Championship, PNVF kasama sa pagbubukas ng Alas Pilipinas Invitationals

Rebisco FIVB Mens World Championship PNVF Alas Pilipinas Invitationals

IPAMAMALAS ng Alas Pilipinas ang kanilang kahandaan para sa FIVB Volleyball Men’s World Championship (FIVB MWCH) Philippines 2025 sa pamamagitan ng Alas Pilipinas Invitationals na magsisimula ngayong Martes. Makakaharap ng pambansang koponan ang Indonesia club Jakarta Bhayangkara Presisi sa kanilang unang laban sa harap ng mga Filipino fans sa Smart Araneta Coliseum. “Sa personal at 94 araw bago ang world …

Read More »

NUNS kampeon sa Shakey’s Girls Volleyball Invitational League Rising Star Cup

NUNS kampeon sa Shakeys Girls Volleyball Invitational League Rising Star Cup

IPINAKITA ng National University Nazareth School (NUNS) ang tibay ng loob at determinasyon sa isang come-from-behind na panalo laban sa Bacolod Tay Tung, 27-25, 16-25, 21-25, 30-28, 15-13, upang masungkit ang 2025 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVL) Rising Stars Cup Division 1 title nitong Sabado sa La Salle Green Hills Gym sa Mandaluyong City. Nagpakitang-gilas si Sam Cantada sa …

Read More »

Alas Pilipinas, 2-0 sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup

Alas Pilipinas, 2-0 sa AVC Womens Volleyball Nations Cup

BUMAWI ang Alas Pilipinas mula sa mabagal na simula upang ipanalo ang laban kontra Indonesia, 22-25, 25-23, 25-13, 28-26, at panatilihing malinis ang kartada sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup na ginanap sa Dong Anh District Center for Culture, Information and Sports noong Linggo sa Hanoi. Nagtapos si Alyssa Solomon na may 17 puntos, habang sina Angel Canino at Bella …

Read More »