Thursday , November 21 2024

SEA Games

PH Swim Team lalarga para sa SEA Age Championship.

Eric Buhain Swimming

TUTULAK patungong Jakarta, Indonesia ngayong hapon (Agosto 22) ang 32-man Philippine delegation – 19 swimmers, 4 divers, 6 coaches at 3 officials – upang makilahok sa 45th Southeast Asian Age Group Aquatics Championship na nakatakda sa Agosto 24-26. Pangungunahan nina National junior record holder sa 13-under class Jamesray Ajido at 2022 World Junior Championship campaigner Amina Isabelle Bungubung ang koponan …

Read More »

Reli De Leon, Philracom rumatsada ng charity race para sa national team

Reli De Leon, Philracom SEA Games

MANILA — Tumulong ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa magiting na pamumuno ni chairman Aurelio “Reli” De Leon sa pambansang koponan na lalahok sa Cambodia sa darating na Mayo para sa 32nd Southeast Asian Games 2023. Limang charity race ang inilarga ng Philracom para sa benepisyo ng mga national athlete nitong Linggo sa Metro Manila Turf Club Inc., sa Malvar, …

Read More »

PH cagers tinalo ang Indons sa 3×3 Wheelchair Basketball

3x3 Wheelchair Basketball ASEAN Para Games

SURAKARTA, Indonesia – Inasahan si Alfie Cabanog sa inside game para talunin ng Team Philippines ang Indonesia 15-10  sa men’s 3×3 wheelchair basketball event para sa  unang panalo ng bansa sa 11th ASEAN Para Games sa GOR Sritex Arena nung Sabado. Bandera ang Indons sa kaagahan ng laro 0-2,  pero  napakitang-gilas si Cabanog na nagpakawala ng 6-1 run  sa pakikipag-partner kay …

Read More »

Hamon ni Buenaflor Cruz sa Pinoy bets “Go for Gold”

Buenaflor Cruz ASEAN Para Games Go for Gold

SURAKARTA, Indonesia – “Let’s go for the  gold!” ito ang hamon ni Buenaflor Cruz, ang cultural attaché ng Philippine embassy sa Indonesia nung nakaraang Biyernes sa Ph Para athletes na sasalang sa ASEAN Para Games na opisyal na binuksan ng nung Sabado. “Our para-athletes are quite admirable because despite their physical disabilities, they compete and strive to excel. It is …

Read More »

Van Maxilom nakapag-uwi ng medalya sa 34th Southeast Asian Games

Van Maxilom

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang model/actor na si Van Maxilom sa pagwawagi ng kanyang team, ang rowing team ng Pilipinas sa katatapos na 34th Southeast Asian Games na ginanap sa Vietnam. Kuwento ni Van na ilang buwan din silang nag/training bilang paghahanda sa 34th Southeast Asian Games at kasagsagan iyon ng pandemic kaya naman medyo mahirap pero naka-focus silang lahat para makapag-uwi medalya at …

Read More »

SEAG Dancesport Champions panauhin sa PSC Rise Up Shape Up

Stephanie Sabalo Michael Angelo Marquez

PATULOY na ipinadiriwang ng Philippine Sports Commission (PSC) ang tagumpay ng national team sa katatapos na 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam. Ang espesyal na episode ng PSC’s ‘Rise UP! Shape Up! nung sabado na may titulong Step Forward with Steph” ay tampok ang SEA Games award-winning dancesport duo nina Stephanie Sabalo at Michael Angelo Marquez. Sa  webisode …

Read More »

Golfer na anak ni Chad hinangaan ni PRRD

Mafy Singson Chad Borja Rodrigo Duterte

HARD TALKni Pilar Mateo NAPAATRAS si Presidente Rodrigo Roa Duterte, nang saglit niyang kausapin ang nagkamit ng medalya sa katatapos na South East Asian Games na ginanap sa Vietnam kamakailan. Si Mafy Singson. Na tinanong ni PRRD kung ano ang handicap sa sports niya na golf. “Zero po! “Ang lahat na golfers na amateur mayroon tinatawag na handicap. Ibig sabihin kung ano ang scores …

Read More »

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

Ramon Fernandez SEA games

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team chef de mission Ramon Fernandez para irepresenta ang Philippine delegation nung Lunes para sa ‘closing rites’ ng 31st Vietnam Southeast Asian Games sa My Dinh National Stadium.   Halos lahat ng PH team members ay nakauwi  na sa bansa.    Sinamahan si Fernandez ng kanyang deputies na sina …

Read More »

National team pinuri ni SKP President Senator  Tolentino

Kickboxing Francis Tolentino

PINURI ni Kickboxing ng Pilipinas (SKP) President Senator Francis “Tol” Tolentino ang national team bago bumalik sila sa Manila kahapon.  Dala nila sa bansa ang two gold, four silver, at two bronze medals mula sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam. “We salute their discipline that led to their success. It was satisfying and their training was really effective, they were …

Read More »

Hanoi  SEA Games
TOP-THREE FINISH HANGAD NG TEAM PHILIPPINES

Hanoi SEA Games Philippines Gold

HANOI — Naging napakadali para kay Olympian Ernest John Obiena na mapanatili ang kanyang pole vault title  habang ang Team Philippines ay naging prodaktibo sa araw na iyon nang manalo rin ng ginto sa triathlon, jiu-jitsu, fencing, at gymnastics nung Sabado para manatiling realidad ang misyon ng bansa para sa top-three finish kahit pa nga umaalagwa na sa unahan ang …

Read More »

31st SEA Games
BIADO UMABANTE SA QUARTERFINALS

Carlo Biado Hanoi SEA Games

HANOI — Hindi natinag ang kasalukuyang US Open champion Carlo Biado  sa mahirap na laban kontra kay Darry Chia ng Malaysia para itarak ang panalo sa 9-7 nung Sabado at umabante sa quarterfinals ng men’s 9-ball singles sa pagpapatuloy ng 31st Vietnam Southeast Asian Games. Umalagwa sa 8-3 kalamangan si Biado, 38,   nang pumaltos siya sa seven-ball para magkaroon ng pagkakataon …

Read More »

POC, PSC  nagbigay ng inspirasyon sa mga atleta sa Hanoi

31st SEA Games Hanoi Vietnam

HANOI — Nagbigay ng pampasiglang salita ang mga sports leaders ng bansa sa miyembro ng Team Philippines sa bisperas ng opening ceremony ng 31st Southeast Asian Games nung Miyerkoles. “Let me start by a word of gratitude for all of you for trusting me another term to lead as City Mayor of Tagaytay,” pahayag ni   Abraham “Bambol” Tolentino, na nagbabalik bilang …

Read More »

31st SEA Games 
UNANG GINTO NG ‘PINAS  SA 31ST SEA GAMES SINUNGKIT NI PADIOS

Mary Francine Padios

 HANOI – Sinungkit ni Mary Francine Padios ang unang ginto ng Pilipinas sa paglarga ng 31st Southeast Asian Games nung Miyerkules sa women’s pencak silat seni (artistic or form) tunggal single event sa Bac Tu Lien Gymnasium. Sa panalo ng 18-year-old na tubong Kalibo, Aklan ay inilagay ang Pilipinas sa medals table na simulang dominahin ng Vietnam isang araw bago ang …

Read More »

Hanoi  SEA Games
PH KICKBOXING NAKASISIGURO NG  8 MEDALYA

KICKBOXING

NAKASISIGURO ang kickboxing ng Pilipinas na mapapanatili nila ang overall title  nang makatiyak  ang walong atleta  sa medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Martes sa Bac Ninh provincial gymnasium. Si Zephania Ngaya ay nag-bye para sa paniguradong silver medal sa women’s 65 kgs class of full contact.   Haharapin niya ang mananalo sa pagitan nina Huyinh Thi Aikvee ng host Vietnam …

Read More »

31ST SEA Games
MGA VENUES  SA  SEA GAMES BUBUKSAN PARA SA MANONOOD

Vietnam SEA Games

HANOI—Sinabi ni Philippine Sports Commission Commissioner Ramon Fernandez nung Martes  na papayagan  ang mga manonood para masaksihan at magbunyi sa atleta sa ‘competition venues’  ng 31st Southeast Asian Games. Si Fernandez, ang chef de mission ng bansa sa Games ay dumalo sa unang chef de mission meeting sa Hyatt Regency West Hanoi na kung saan  ang 11 CDMs  ng 11 national …

Read More »

Hanoi SEA Games
SEA GAMES TEAM ROSTER NG TEAM PH NAKOMPLETO NA

Vietnam SEA Games

HANOI—Nakompleto  ng Team Philippines ang  fighting roster para sa 31st Southeast Asian Games  pagkatapos ng ‘delegation registration’  meetings na inorganisa ng host nation. Inireport  ni Commissioner  Ramon Fernandez ng Philippine Sports Commission,  na siyang tumatayong chef de mission ng bansa na ang akreditasyon ng lahat ng 981-strong delegation kasama ang 641 Filipino Athletes mula 38 sports ay naayos na. Si Fernandez …

Read More »

Kiefer Ravena kasama sa Gilas na lalaro sa Hanoi SEA Games

Kiefer Ravena

NAKASAMA ang pangalan ni  Japan B.League  superstar Kiefer Ravena sa Gilas Pilipinas men’s national basketball team na  magdedepensa ng gintong medalya  sa paparating na Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Sa kasalukuyan ay nasa Japan pa rin si Ravena na may dalawa pang natitirang laro para sa kanyang team na Shiga Lakerstars sa linggong ito.  Inaasahan na susunod na lang …

Read More »

Atletang Pinoy na sasabak sa Hanoi SEA Games suportado ng PSC

Vietnam SEA Games

HANOI—Iniangat ni  Philppine Sports Commission Commissioner Ramon Fernandez  ang kumpiyansa ng Filipino Athletes mula sa beach handball, at kickboxing sa kanilang misyon na makasungkit ng medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam. Binisita ni Fernandez, ang Team Philppines chef de mission sa laro, ang  mga Pinoy athletes para magbigay ng ‘inspirational talk’ para mag-compete sa pinakamataas na level  para sa …

Read More »

World no. 5 Pole Vaulter Obiena flag-bearer ng ‘Pinas sa Vietnam SEAG

EJ Obiena

MANGUNGUNA sa hanay ng mga atletang Pinoy si World No. 5 Pole Vaulter EJ Obiena bilang flag-bearer ng bansa sa pagbubukas ng 31st  Southeast Asian Games na lalarga sa MNy Diknh National Stadium sa Hanoi, Vietnam. Unang plano ng Philippine contingent na dalawa sana ang magiging flag-bearers ng ‘Pinas kasama ni Obiena si Tokyo Olympics Gold medalist Hidilyn Diaz pero …

Read More »

PH Karate Team hahataw sa 31st SEA Games sa Vietnam

Philippine Karate Sports Federation Inc

IPANLALABAN ng Team Philippines ang kombinasyon ng kabataan at karanasan sa binubuong 15-man Philippine Karate Team na ilalarga sa 31st Southeast Asian Games sa 12-23 Mayo 2022 sa Hanoi, Vietnam. Sinabi ni Philippine Karate Sports Federation Inc., president Richard Lim, bukod sa panlabang sina Manila SEA Games champion Jamie Lim at Junna Yukiie, tatlo pang kabataang Filipino-Japanese na nakabase sa …

Read More »

Vietnam SEA Games tuloy sa Mayo 2022

Vietnam SEA Games

PAGKARAANG ma-postponed ang Vietnam SEA Games na mangya­yari sana mula 21 Nobyem­bre hanggang 2 Disyembre ng  kasalukuyang taon, itutuloy ito sa Mayo 2022. Ang nasabing balita ay tiniyak ng Vietnam organizers sa nangyaring online meeting ng SEA Games Federation na nilahukan ng mga bansang miyembro ng pederasyon. Hindi ilalarga ang 31st SEA Games sa orihinal na petsa  sa kahilingan na rin ng Vietnam …

Read More »