Saturday , December 20 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

406 pasaway sa gun ban arestado

gun ban

UMABOT sa 406 ang mga naaresto dahil sa paglabag sa gun ban, ayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO). Kinompirma ng NCRPO, umabot sa 406 individuals ang nahuli habang 183 firearms ang nasamsam sa buong dahil sa paglabag sa gun ban. Ayon kay NCRPO chief Director P/MGen. Vicente Danao, Jr., sa loob ng 42 araw mula 9 Enero hanggang …

Read More »

Presyo ng petrolyo muling magtataas

Oil Price Hike

NAG- ABISO ang mga lokal na kompanya ng produktong petrolyo para sa dagdag na presyong ipatutupad ngayong araw ng Martes, ang ika-8 sa sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng langis simula nitong Enero 2022. Ayon sa Petron Corp., Pilipinas Shell, at Seaoil Philippines, magtataas sila ng kanilang presyo ng P0.80 kada litro ng gasolina, P0.65 sa diesel, at P0.45 sa …

Read More »

DFA consular team isinugo sa Ukraine

Ukraine

NAGPADALA ng consular team ang Philippine Embassy sa Warsaw, Poland upang umalalay sa mga Pinoy sa Lviv, Ukraine na posibleng maipit sa nagbabantang gera doon. Ang naturang hakbangin ay upang tiyakin ang pagbibigay ng agarang tulong sa mga Pinoy. Binubuo ng dalawang personnel ng Philippine Embassy, ang consular team ng Consul at ATN officer na may koordinasyon sa Philippine Honorary …

Read More »

Sharon ikinampanya sina Leni-Kiko sa Tarlac

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Leni Robredo

TARLAC STATE UNIVERSITY, TARLAC CITY – Itinaya ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang pangalan para sa kandidatura ng kanyang asawang si vice-presidential candidate Francis “Kiko” Pangilinan, at ni presidential aspirant Leni Robredo para sa May elections. “Mawala na ang ningning ng bituin ko sa pelikula, manalo lang ang Leni at Kiko, sa totoo lang po dahil mas nakararaming hindi hamak …

Read More »

50-M vaccine doses vs COVID-19 naihatid ng Cebu Pacific

50-M vaccine doses vs COVID-19 naihatid ng Cebu Pacific

UMABOT sa higit 50 milyong doses ng bakuna kontra CoVid-19 ang naihatid na ng Cebu Pacific sa iba’t ibang lugar sa bansa, sa patuloy nitong pagsuporta sa pambansang kampanya ng pamahalaan na mabigyan ng primary vaccines ang mga bata at mga nakatatanda, at booster jabs para sa mga bakunadong indibidwal. Simula noong Marso 2021, ligtas na naihatid ng Cebu Pacific …

Read More »

MWP ng CALABARZON PNP timbog sa Victoria, Laguna

MWP ng CALABARZON PNP timbog sa Victoria, Laguna Boy Palatino photo

INIULAT ni Laguna PPO Acting Director P/Col. Rogarth Campo kay PRO4-A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra ang pagkakadakip sa pangsiyam na most wanted person sa regional level sa ikinasang manhunt operation nitong Lunes ng hapon, 21 Pebrero, sa Brgy. Nanhaya, bayan ng Victoria, lalawigan ng Laguna. Kinilala ang target sa manhunt operation na si Erwin Aguilar, 33 anyos, residente …

Read More »

P.868-M pekeng ‘yosi’ ipinuslit sa Bulacan, nasamsam sa Nueva Ecija

Fake Cigarette, yosi, sigarilyo

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang halos P900,000 halaga ng mga pekeng sigarilyo sa lalawigan ng Nueva Ecija na ibiniyahe mula sa Bulacan, saka nadakip ang taong nasa likod nito nitong Lunes, 21 Pebrero. Ayon kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagsagawa ang mga elemento ng Zaragoza MPS at 1st PMFC ng anti-criminality checkpoint sa provincial …

Read More »

Criminal gang member, 3 pa timbog sa Bulacan

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO ang isa sa mga most wanted persons (MWPs) ng Central Luzon pati ang tatlong iba pang pinaghahanap ng batas sa pinatinding manhunt operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 22 Pebrero. Ayon kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, nagsanib-puwersa ang tracker teams ng Plaridel MPS, Pulilan MPS, at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) …

Read More »

Mag-asawang organic farmers, Krystall ay katuwang sa pagpapalakas ng katawan

Krystall herbal products

Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Lutgarda delos Santos, 58 years old, taga-Silang, Cavite. Ako po at ang aking asawa ay nagmamantina ng free range chicken at baboy-ramo. Mas mainam raw kasi ito sa kalusugan. Bagamat ako’y nagbebenta ng mga itlog mula sa mag-asawang inahin at tandang, ay hindi naman ganoon kabilis ang balikwas ng puhunan kasi nga …

Read More »

137 drug suspects, 112 wanted at 19,855 Ordinance violators, arestado sa SACLEO ng QCPD

PNP QCPD

MATAGUMPAY ang isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operatios (SACLEO) ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang makaaresto ng 137 drug suspects, 112 wanted persons, at 19,855 ordinance violators sa loob ng isang linggo sa lungsod. Ayon kay QCPD Director, P/BGen. Remus Medina, isinagawa ang operasyon nitong 14-20 Pebrero 2022 na nilahukan ng 16 himpilan ng pulisya ng QCPD. Batay …

Read More »

Big time pusher natiklo ng PDEA, QCPD sa P3.5M shabu

PDEA NCRPO P3.5M shabu QC

DINAKIP ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) ang isang big time drug pusher makaraang makompiskahan ng P3.5 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa lungsod. Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang nadakip na si Muslimin Mantil, 28 anyos, residente sa Poblacion Talitay, Maguindanao. Dakong 10:15 pm …

Read More »

Krista Miller, ganado at bigay-todo sa pelikulang Iskandalo

Krista Miller

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA at excited si Krista Miller na pag-usapan ang kanilang pelikulang Iskandalo na isa sa aabangan sa Vivamax. Tampok dito sina AJ Raval, Sean de Guzman, Cindy Miranda, Jay Manalo, Arnold Reyes, Angela Morena, Raul Morit, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez Jr. Ano ang role niya sa movie? Tugon ni Krista, “Ang role …

Read More »

Liza Dino gustong ituloy ang pagiging FDCP Chairperson; Rumaratsada sa Film Ambassadors’ Night

Liza Dino

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga GUSTONG ituloy ni Liza Dino ang pagiging chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kung muli siyang bibigyan ng pagkakataon ng susunod na Pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng eleksiyon 2022. Appointee kasi ng Pangulo ang posisyon ng FDCP Chairman, kaya sa pagtatapos ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay natatapos na rin ang termino ni Chair Liza. “If …

Read More »

Aspire Magazine sa HK naman magkakaroon ng billboard

Allen Castillo Klinton Start

MATABILni John Fontanilla PAGKATAPOS ibandera sa New York, Los Angeles, California, at Florida, magkakaroon din ng billboard ang Aspire Magazine Global sa Hongkong, ito ang tiniyak ng publisher ng Editor Aspire Magazine Philippines na si Allen Castillo. Makakasama pa rin sa nasabing billboard ang actor at tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start kasama ang ilang A1 Models ng House Of Mode Ele. Ayon kay Allen, “Bale from …

Read More »

Bea hinihikayat ang netizens na magpa-vaccine

Bea Alonzo

MATABILni John Fontanilla Isa si Bea Alonzo sa mga celebrity na tinamaan ng Covid-19 kaya naman suportado niya ang pagbabakuna. Very vocal sa kanyang social media account ang aktres sa paghihikayat na magpa-vaccine para bumaba ang bilang ng Covid cases at matapos na ang pandemya. Nag-post ito kamakailan ng isang larawan sa kanyang social media account habang nagpapa- booster shot kontra Covid-19 …

Read More »

Dating sikat na matinee idol big time ang sideline Kaya naman pa-tour-tour na lang 

Blind Item, excited man

ni Ed de Leon “BIG time” na ang mga “sideline” ngayon ng isang dating sikat na matinee idol. Kung dati ay nakaka-date siya ng mga nagpupunta sa paborito niyang coffee shop, dahil ngayon nga ay nadampot siya ng isang milyonaryong gay na foreigner, pa-tour tour na lang siya, at siyempre doon nagaganap ang pagsasalo nila ng kaligayahan ng bading na foreigner niya. …

Read More »

Gretchen namimigay ng ambulansiya (‘Di lang bigas at de lata)

Gretchen Barretto

HATAWANni Ed de Leon MATAPOS ang ginawang pamimigay ng ayuda sa entertainment press, mga kasamahang artista at manggagawa sa pelikula at telebisyon, at maging mga medical frontliner, ngayon ay hindi lamang bigas at de lata ang planong ipamigay ni Gretchen Barretto. Bukas daw ay ipade-deliver na niya sa isang ospital sa Mandaluyong ang kanyang donasyong bagong ambulansiya, bukod sa 1,000 sako …

Read More »

Tatay ni James playing safe para ‘di magmukhang ‘tokwa’ ang anak 

Nadine Lustre James Reid Malcolm Reid

HATAWANni Ed de Leon “BASURANG balita” ang itinawag ng tatay ni James Reid tungkol sa mga kuwentong lumabas matapos na iyon ay magpunta sa LA. Inamin naman niya na may gagawin iyong recording sa US at dadalawin ang isang kapatid. Iyon lang at babalik na rin sa Pilipinas. Nagsimula naman iyan nang ang kanilang kampo ang naglabas ng isang despedida party mula sa …

Read More »

Bianca at 3 aktor magpapakilig

Bianca Umali, Ken Chan, Teejay Marquez, Kelvin Miranda

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS ang matinding tarayan ng  mga beteranang aktres sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, mas batang set of stars ang magpapakilig naman sa papalit na installment na Her Big Boss. Si Bianca Umali ang nag-iisang female lead habang ang male leads naman ay sina Ken Chan, Teejay Marquez, at Kelvin Miranda. Pahinga muna tayo sa tarayan sa Mano Po Legacy na magtatapos ngayong Biyernes …

Read More »

Sharon ibinandera pagbibida sa The Mango Bride adaptation

Sharon Cuneta The Mango Bride Martin Edralin

I-FLEXni Jun Nardo BUONG ningning na ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account ang lumabas sa international na magazine na Variety ang balitang bibida siya sa  film adaptation ng The Mango Bride na award-winning novel ni Marivi Soliven. Fan si Sharon ni Soliven kaya gusto niyang gawin ang Mango Bride na nanalo bilang grand prize sa Carlos Palanca Memorial Awards. Kuwento ito ng dalawang Pinay – isang mayaman …

Read More »

Ping ‘bata’ ng mga magsasaka

Ping Lacson farmers

ni Maricris Valdez Nicasio SALUDO ang mga magsasaka sa paninindigan ni presidential aspirant Ping Lacson kaya naman nais nilang ito ang manalo sa darating na eleksiyon.  Anila, si Ping ang tanging kandidato sa panguluhan na kayang manindigan. “Walang korapsiyon, kasi  hindi nga siya tumatanggap ng pork barrel na kung saan-saan lang naman nauuwi,”giit ng magsasakang taga-Nueva Ecija na si Romy. “Corruption talaga ang rason …

Read More »

Alexa at KD magkarelasyon na? — its like picture, it’s developing

Alexa Ilacad KD Estrada

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILINAW nina Alexa Ilacad at KD Estrada na hindi pa sila mag-on pero espesyal sila sa isa’t isa. Ang paglilinaw ay isinagawa sa kanilang upcoming virtual fancon na Closer. Ani Alexa “Of course, there’s something blossoming. It’s like a picture. It’s developing.” Ani Aexa pinag-usapan nila ni KD na ‘wag silang magmadali na pumasok agad sa isang seryosong relasyon. “We really had …

Read More »

Julia nagbuyangyang na ng katawan — Tumatanda na ako eh, wala nang excuse magpa-cute

Julia Barretto

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HIYANG-HIYANG humarap si Julia Barretto sa isinagawang face to face presscon ng Bahay Na Pula noong Lunes ng gabi dahil ngayon lang uli siya humarap sa entertainment press. Halos dalawang taon nga rin naman kasing laging zoom media conference ang ginagawa niya. Anyway, matagumpay ang isinagawang screening ng Bahay Na Pula na idinirehe ni Brillante Mendoza at pinagbibidahan din nina Xian Lim at Marco Gumabao at mapapanood …

Read More »

Mandaluyong: ‘BBM-Sara’ country

Bongbong Marcos Sara Duterte Mandaluyong

MANDALUYONG CITY – Kita sa drone shots na napuno ang iba’t ibang kalsada sa Mandaluyong ng libo-libong mga tagasuportang dumalo sa grand rally ng BBM-Sara UniTeam noong 13 Pebrero 2022. Ayon sa pulisya, tinatayang mahigit 30,000 katao ang dumalo sa nasabing pagtitipon na pumuno sa kahabaan ng Nueve de Febrero, F. Martinez Avenue, at Fabella Road. Pawang nakasuot ng pulang …

Read More »