Saturday , May 28 2022
Sharon Cuneta The Mango Bride Martin Edralin

Sharon ibinandera pagbibida sa The Mango Bride adaptation

I-FLEX
ni Jun Nardo

BUONG ningning na ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account ang lumabas sa international na magazine na Variety ang balitang bibida siya sa  film adaptation ng The Mango Bride na award-winning novel ni Marivi Soliven.

Fan si Sharon ni Soliven kaya gusto niyang gawin ang Mango Bride na nanalo bilang grand prize sa Carlos Palanca Memorial Awards.

Kuwento ito ng dalawang Pinay – isang mayaman at socialite at isang mail order bride – na nagpunta sa California at nag-krus ang landas at maraming natuklasang katotohanan sa pagkikita.

“I wanted to do ‘The Mango Bride’ because it’s the best way to connect to a global audience by putting some of the best Filipino talents and stories together to tell an emotional and uplifting story like this,” bahagi ng pahayag ni Sharon.

Ngayong late 2022 magsisimula ang production ng The Mango Bride. Ang Fil-Canadian na si Martin Edralin ang director.

Tweet pa ni Shawie, “Please pray for this project to succeed. My prayer is that it is able to open for ALL OF US in the industry = FINALLY!”

About Jun Nardo

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …