Saturday , May 28 2022
Krista Miller

Krista Miller, ganado at bigay-todo sa pelikulang Iskandalo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYA at excited si Krista Miller na pag-usapan ang kanilang pelikulang Iskandalo na isa sa aabangan sa Vivamax.

Tampok dito sina AJ Raval, Sean de Guzman, Cindy Miranda, Jay Manalo, Arnold Reyes, Angela Morena, Raul Morit, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez Jr.

Ano ang role niya sa movie?

Tugon ni Krista, “Ang role ko po sa movie, ako po yung other woman ni Arnold Reyes. And isa rin po ako sa magiging sanhi ng gulo sa pamilya nina Arnold, AJ Raval at Carlene Aguilar. Kasi, isang family po sila rito.”

Nagbigay siya nang kaunting patikim sa kanilang pelikula.

Aniya, “Iskandalo is about, parang… crime story siya na may pagka-sexy. Ang question kasi rito, may main cast rito na namatay siya, so iyon ang kailangang masolusyonan or yun ang hinahanap sa movie na ito.

“Marami kasi siyang twist, soang question ay sino ba talaga ang pumatay at ano talaga ang nangyari?”

Magpapa-sexy ba siya sa movie? “Well, hindi lang kasi siya sexy, so sa part ko, iyon ang abangan sa film na ito. Kasi sa mga past films ko, mostly ay mga sexy talaga. Pero rito kasi, nag-level-up talaga ako,” saad pa ni Krista.

Kaya ba niyang makipagsabayan sa mga palaban na young sexy stars ng Vivamax

“Tulad nga ng sabi ko kanina, nagpa-sexy ako rito at mas nag-level up pa. Kasi most of my films before, mga sexy films siya na… like mga daya-daya shots lang, yung mga parang mga side view, ganyan…

“Pero kasi rito, as in, talagang nagpakita ako rito at talagang intense ang mga love scenes ko rito with Arnold dahil nga other woman ako ni Arnold rito.

“Sa mga movie ko na nagawa before, na yun nga po, puro mga pa-sexy, pero daya shots lang. Pero sobrang tagal na kasi niyon… so, parang ito yung comeback ko sa movie and nagawa ko siyang gawin na higher pa roon sa nagagawa ko before.

“So, naano ko iyong sarili ko na, ‘Wow, kaya ko pa pala! Kaya ko palang makibasabayan pa. Na kahit may baby na ako, kahit medyo nag-mature na ako, pero, I can still do it.’ So, iyon yung parang proud ako sa sarili ko.

“Dati kasi, sa mga movies ko before, medyo natatakot ako, medyo may limitations ako sa mga nagawa kong movie before. And makikita naman iyon na talagang sobrang mga daya shots lang, pati yung mga love scenes, na makikita mong parang intense, pero makikita mong daya lang.

“Pero rito sa Iskandalo talaga, akala mo… hindi akala, eh, parang totoo na nga talaga, eh,” nakangiting saad pa niya.

Ano ang masisilip sa kanya sa pelikulang Iskandalo?

“Kung ano iyong masisilip nila sa akin sa Iskandalo?” Ulit niya sa aming tanong. Siguro, iyon ang masasabi kong aabangan nila. Kasi, iyon nga po, sa mga movies na nagawa ko, ngayon lang talaga ako… as in, nagpakita or nag-all out, parang ganoon. So, iba, iba talaga ito sa mga movies na nagawa ko before,” lahad ng aktres.

Dagdag pa ni Krista, “And hindi ko alam kung saan ako kumuha ng tapang or lakas ng loob. Pero parang sobrang natuwa ako sa sarili ko after ng scene namin, na parang, ‘Wow Krista, kaya mo pa, kaya mo pa talaga.’ As in, one take lang kami, kaya natuwa si Direk Roman sa ginawa namin.

“And siyempre, yung co-artist ko, yung kaeksena ko rito na si Sir Arnold Reyes, alam naman natin kung gaano siya kagaling na artista, kaya hindi rin ako nahirapan doon sa aming eksena.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Baron Geisler Pusoy

Baron nahiya sa 7 daring scenes sa Pusoy; Kung kailan nag-40 at saka naghubad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PITONG sexy scenes ang sinalangan ni Baron Geisler sa Pusoy ng Vivamax na mapapanood na simula …

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …