Alden Richards ARXV Moving ForwARd Fanmeet

Fan Meet at concert ni Alden dinumog

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang  ultimate fan meet and concert ng tinaguriang Asia’ Multi Media Star na si  Alden Richards, ang ARXV: Moving ForwARd The Ultimate Fanmeet Experience with Alden Richards na ginanap sa Sta. Rosa, Laguna, Multi-Purpose Complex noong December 13, 2025.

Kaya naman nagpalasamat si Alden sa lahat ng sumama sa pagsisimula ng kanyang journey sa showbiz until now.

Post nito sa kanyang Facebook, “Sa lahat ng sumabay, sumuporta, at naniwala sa aking paglalakbay sa nakalipas na 15 taon, maraming salamat sa inyong lahat.

“Hindi rito nagtatapos ang kuwento; nagsisimula pa lang tayo.

“Kayo ang dahilan kung bakit patuloy akong nangangarap at nagpapatuloy.

“Here’s to the next chapter…

and to moving forward,” ani Alden.