Tuesday , December 16 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Positive Poe, constructive Chiz sa 2016 — Mendoza

“SAMYO ng sariwang hangin sa napakaruming mundo ng politika.” Ganito ang pagha-hambing ni Batangas Rep. Mark Mendoza kay Sen. Grace Poe kasabay ng obserbasyong patuloy na lumulobo ang bilang ng mga sumusuporta sa babaeng mambabatas dahil sa kanyang positibong paningin, talino at kaaya-ayang disposisyon. “Makikita ito sa reaksiyon ng mga estudyante ng University of San Carlos sa Cebu noong maimbitahan …

Read More »

Senator Johnny Ponce Enrile timing na timing ang ‘bail’ courtesy of Supreme Court?

MAGING precedent kaya ang pagpayag na magpiyansa si Senator Johnny Ponce Enrile para sa kanyang pansamantalang kalayaan?! ‘Yan po ang tinitingnan ngayon ng maraming abogado. Bago kasi ang pagpayag ng Korte Suprema na magpiyansa si Enrile, maraming matatandang inmate lalo na ‘yung mahigit 70-anyos na ang humihiling sa Department of Justice (DoJ) na bigyan na sila ng clemency o piyansa …

Read More »

Panawagang Tolentino resign, lumalakas

HUMAKOT ng suporta ang online petition na nanawagan sa pagbibitiw ni MMDA Charman Francis Tolentino. “Sobra na, tama na, palitan na,” sabi sa petisyon. Ginagamit daw ni Tolentino ang pondo ng bayan sa maagang pangangampanya sa pagka-senador sa 2016 elections sa halip na lutasin ang mala-impiyernong sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila. Akala ni Tolentino ay madadala niya sa gimik …

Read More »

Halatang personalan na ang style ni Mison

Natatawa na lang daw ang mga immigration personnel, pati na ang kanilang mga abogado, na pilit kinakasuhan ni Immigration Commissioner Siegfred ‘green card’ Mison tungkol sa hindi pag-comply sa kanilang mga destino partikular sa mga itinapon sa Border Crossing Stations ng Filipinas. Ayon sa kanila, majority raw sa kanila ay nakatanggap ng reply sa kanilang Motion for Reconsideration na “Your …

Read More »

Duterte sa kuko ni Banayo

KUNG tunay ang programang isinusulong ni Davao City Mayor Rodrigo   Duterte laban sa katiwalian, bakit nasa kampo niya ngayon ang isang taong may kinalaman sa rice smuggling at may kasong graft sa Ombudsman? Ang tinutukoy natin ay si dating National Food Authority administrator Lito Banayo na kasalukuyang  political strategist ni Duterte. Si Banayo ay kinasuhan ng National Bureau of …

Read More »

Ang buwan ng Agosto

ANG Agosto ay buwan ni San Bartolome Apostol, isa sa mga disipulo ng panginoong Hesus. Ang kanyang estatwa sa simbahan ng Malabon ay kakaiba sapagkat makikita na may hawak na gulok at nakagayak ng pulang damit. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang mga katipunero ay laging isinalalarawan na nakapula at may hawak na itak. Makabuluhan ang buwan na ito …

Read More »

ER Ejercito, talbog ang mga trapo!

Marami ang nalungkot talaga nang bumaba si ER Ejercito bilang gobernador ng Laguna. Teary-eyed talaga ang karamihan sa kanyang loyal followers at kasama na kami roon. Honestly, we’ve known Gov. ER since the 80s when he was still a struggling young actor in the industry who, for quite sometime, did try to court our protegee that time Ms. Snooky Serna. …

Read More »

Tagos hanggang puso ang eksena nina Jodi at Kathryn

Isang factor siguro kung bakit well-followed ang Pangako Sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay ang fabulous presence ni Jodi Sta. Ma-ria who’s delineating the formidable character of Amor Powers. Sa totoo, na-approximate ni Jodi ang powerful at riveting presence some fifteen years ago ni Eula Valdez. Walang kaduda-dudang kung magaling na aktres si Ms. Eula, hindi rin …

Read More »

Endless love ng mga kloseta!

Hahahahahahahahaha! Ka-amuse naman ang drama ng dalawang kloseta na kung naging tunay sanang mga lalaki ay tiyak na pag-aagawan ng mga vaklung at maielyang chicks. Hahahahahahahaha! In person, with the way they look, pormang macho so to speak, (Hahahahahahaha!) malalaglag talaga ang mga panty ng mga chicks at beki. Hahahahahahahaha! But when they are alone, that’s the time that they’d …

Read More »

Claudine, hanggang pelikula lang, serye sa Dos, no-no na!

ISANG ABS-CBN insider ang nakapagbulong sa amin that yes, nakabalik man si Claudine Barretto (its homegrown artist) sa network via sa Star Cinema film ay hanggang doon na lang daw ‘yon. Resurrecting her movie career, kabilang si Claudine sa pelikulang prodyus ng film arm ng Kapamilya Network mula sa libro ng batikang manunulat na si Julie Yap Daza tungkol sa …

Read More »

Ate Vi, gustong tutukan ang pagbibinata ni Ryan Christian

“NAMI-MISS ko ang showbiz,” deklara ni Governor Vilma Santos nang dalawin siya sa shooting ng pelikula nila ni Angel Locsin sa Star Cinema. Mas sure  ang pagbabalik showbiz ni Ate Vi kaysa maka-tandem ni DILG Secretary Mar Roxas para sa darating na eleksiyon. Publicity lang daw ang mga naglalabasan na Mar-Vi at isang malaking tsismis. Nagpapasalamat siya kung ikinu-consider siya …

Read More »

Kandidatura ni Sec. Mar suportado ni Mother Lily

NAGTATANONG ang mga netizen kung si  Mar Roxas ang susuportahan ni Mother Lily Monteverde  sa darating  na eleksiyon dahil nakita ito sa kanyang 76th birthday party sa Valencia Events Place. Friendly lang si Mother at wala pa siyang deklarasyon tungkol dito. Anyway, hati-hati na raw ang showbiz. Nag-umpisa na ang pagkahati-hati ng industriya ng showbiz kung sino ang susuportahan kina …

Read More »

Kuya Wil, may bagong Bebeh

NAGPUNTA kami sa taping ng Wowowin na napapanood tuwing Linggo, 2:00 p.m. sa GMA 7. Sa first week of September ay makikilala ang bagong  co-host ni Kuya Wil na si Bebeh. Hindi pa siya regular at under observation siya.Katuwang niya si Le Chaz bilang host. Bago  rin ang choreographer niya. ito’y sa katauhan ni Karen  Ortua na dating dancer ng …

Read More »

Coco, natapatan ang ginawa ni FPJ sa Ang Probinsyano

TODO na…SI Coco nga! Opening scene pa lang ng Ang Probinsyano na bagong project ni Coco Martin sa Dreamscape Television Entertainment, kung isa kang FPJ fanatic, alam mong ‘yun ang eksenang magpapangiti sa kanya at siya namang kakapitan ng mga manonood sa mga aabangan pa nila. Kaya ko pinanood uli ang Mission Impossible Rogue Nation ni Tom Cruise eh dahil …

Read More »

Ser Chief at Manolo, papasok sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita

MGA sanga-sangang puso… Ang magsasalubungang muli at magbubuhol sa istorya ng sari-saring kulay ng pagmamahalan sa patuloy na umiigting at umaariba sa ratings na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita topbilled by Vina Morales, Christian Bautista and Denise Laurel. Sa ikot ng teen love story nina Loisa Andalio at Josh Garcia, papasok ang karakter ni Manolo Pedrosa. Pero nagri-rigodon pa rin …

Read More »

Taga-ayos ni Marian, ilag sa aktres

MARIAN…Aww! Pagdating sa mga bata, kitang-kita namang magiliw ang isang Marian Rivera. Na magkakaroon na ng sarili nilang baby ni Dingdong Dantes soon. Kaya naman kapag may mga magpapa-picture sa aktres saan man ito magpunta, accommodate niya agad. Pero kapag ang mga kasama na ng bagets ang magpapa-picture kay Marian, naiiba raw ang mood nito. Kaya nalilinyahan niya ang ilang …

Read More »

Angelica gaya-gaya raw kay Bea, basher, pinatutsadahan

PINATULAN ni Angelica Panganiban ang ilang bashers niya sa  Instagram account na nagsabing  gaya-gaya siya sa pose ni Bea Alonzo. “Sabi ko sa friend ko, picturan nya ko. Eh bigla akong natawa. Naisip ko,ayos lang. post ko na din. A least d ako may hawak ng phone ko habang tumatawa. Whooo yes! Ang saya mag picture. Nakakatawa!!! Yan ang tawag …

Read More »

Paulo, feeling big star; selfie sa mga extra, tinatanggihan

MASYADO palang suplado itong si Paulo Avelino sa kanyang fans. May isang extra sa Bridges of Love ang nagkuwento sa amin na sobrang suplado itong si Paulo.  Nagpa-picture siya kasama ang actor pero tinanggihan siya at sinabing “for airing na tayo, eh”. Ibig sabihin ni Paulo, ayaw niyang magpa-picture dahil ang itini-tape niya noong araw na iyon ay for airing …

Read More »

Karylle, imposibleng makagawa ng serye dahil sa Showtime

AYAW magbigay ng detalye ni Karylle T. Yuzon kung bakit umalis na siya sa long time manager niyang si Carlo Orosa ng Stages at lumipat na siya kay Arnold L. Vegafria. Nakita namin ang seksi at magandang misis ni Yael Yuzon sa birthday party ni Mother Lily Monteverde na katabi si ALV (Arnold) at tsika-tsika kaya natanong namin kung lumipat …

Read More »

Doble Kara ni Julia, patok agad sa televiewers

PANALO ang bagong serye ni Julia Montes na DobleKara sa unang araw nito noong Lunes, Agosto 24 sa Kapamilya Gold. Nakamit ng Doble Kara sa national TV rating ang 16.9%, kompara sa katapat nitong programa sa GMA na nakakuha ng 15.6% base sa Kantar Media. Dahil sa pagkasabik ng TV viewers at netizens sa pagbabalik ni Julia, mabilis ding naging …

Read More »

Misterless Misis, na-pull-out dahil sa mababang ratings

SPEAKING of TV5, pinadahan kami kahapon ng official statement tungkol sa weekly TV series nilang Misterless Misis na pinagbibidahan nina Gellie de Belen, Ruffa Gutierrez, Ritz Azul, Mitch Valdez, Andie Gomez, at Ms Lorna Tolentino na ang direktor ay si Mark Meily ng Unitel. “We would like to inform its viewers that it is temporarily deferring the airing of the …

Read More »

Direk Ricky, na-ICU dahil sa paninikip ng dibdib

HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay kasalukuyang nasa Intensive Care Unit o ICU ng Tagaytay Hospital si Direk Ricky Rivero na isinugod noong Linggo ng madaling araw dahil sa paninikip ng dibdib. Ayon sa nagkuwento sa amin, inatake raw ang direktor habang nagte-taping ng pilot episode ng seryeng My Fair Lady na kapalit ng Baker King sa TV5. Pagod …

Read More »

Milyones mawawala sa gov’t sa No Remittance Day

INIHAYAG ng grupong Migrante party-list, milyon-milyon ang mawawala sa gobyerno sa ikinasang “No Remittance Day” ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Biyernes, Agosto 28. Ikinasa ang “No Remittance day” bilang pagpapakita ng protesta ng OFWs sa isyu ng pagbubukas ng balikbayan boxes sa Bureau of Customs. Sinabi ni Migrante chairperson Connie Bragas-Regalado, kompirmadong kasunod ng panawagan at udyok ng OFWs …

Read More »

‘NRD’ inismol ng Palasyo

MINALIIT ng Palasyo ang ilulunsad na “No Remittance Day” ng grupong Migrante bilang protesta sa pagtatakda ng gobyerno ng P600-milyong revenue sa balikbayan boxes. Iginiit ng Migrante na hindi dapat ituring ng gobyerno na “milking cow” ang overseas Filipino workers (OFWs). Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., walang dapat ikabahala sa “No Remittance Day” dahil dati na itong ginawa …

Read More »

35% tax sa Dollar remittances itinanggi ng BIR

MARIING pinabulaanan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang kumalat na isyu sa social media hinggil sa sinasabing pagpataw ng buwis ng Kawanihan ng Rentas Internas sa dollar remittances ng overseas Filipino workers (OFWs). Nilinaw ni Henares na hindi ito totoo. Aniya, sa simula pa lamang, ang BIR ay hindi tagapataw ng buwis, kundi taga-implementa lang sila …

Read More »